Friday , December 27 2024

Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa dapat makinig kay Senator Panfilo “Ping” Lacson

KUNG gusto ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa na magkaroon siya ng “legacy” dapat niyang sundin ang payo ni dating PNP chief, at ngayon ay senador Panfilo Lacson.

Napaka-constructive ng mga puna at payo ni Senator Ping kay DG Bato. Bawasan ang pakikipagsosyalan at huwag masyadong mahilig sa concert at libreng tiket para sa mga palabas at boksing sa ibang bansa.

May hirit kasi si DG Bato na hindi naman na mabubuhay si Jee Ick-joo, ang South Korean businessman na piñata ng mga pulis, kahit hindi siya manood ng concert ni Bryan Adams.

Lalo tuloy siyang naupakan.

May punto si Senator Ping, puwedeng samantalahin ng mga tiwaling pulis ang kahinaan ni DG Bato. Ang pagiging lax sa mga dinadaluhang event na hindi naman nakatutulong sa pagsusulong ng peace and order.

Para tuloy ipinakikita ni DG Bato na ‘yung mga hindi niya nagagawa noon ay sabik na sabik siyang gawin ngayon.

Hay naku, DG Bato, laglag na laglag ka riyan sa mga diskarte mo.

Anyway, sabi nga ninyo, idol ninyo si Senator Ping dahil former boss ninyo siya at gusto ninyong tularan ang mabubuting bagay na nagawa niya noong chief PNP pa siya.

‘Yan ang pinakamagandang gawin ninyo DG Bato. Maging huwaran kayong chief PNP.

Pagkatapos ng term ninyo, saka ninyo gawin ang mga bagay na hindi ninyo nagawa noong araw.

Aprub ka ba riyan, DG Bato?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *