Saturday , November 16 2024

COP sibak sa kotong sa 3 Koreano

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Angeles City, Pampanga bunsod nang pagkakasangkot sa robbery, holdap at extortion ng kanyang mga tauhan sa tatlong Korean nationals.

Ayon kay PNP Region 3 director, C/Supt. Aaron Aquino, papalit sa puwesto ni S/Supt. Sidney Villaflor bilang chief of police ng Angeles City, si S/Supt. Jose Hidalgo Jr.

Nauna nang sinibak ni Chief Supt. Aquino ang ilang pulis mula sa Angeles City Police Station 5 na kinilalang sina PO3 Arnold Nagayo, PO3 Roentjen Domingo, PO2 Richard King Agapito, PO2 Ruben Rodriguez, PO3 Gomerson Evangelista,  PO1 Jayson Ibe at PO1 Mark Joseph Pineda.

Kabilang din sa tinanggal sa puwesto ang mismong hepe ng Station 5 na si Chief Inspector Wendel Arinas at Senior Inspector Rolando Yutuc, deputy station commander.

Sa kabilang dako, tiniyak ni Senior Supt. Hidalgo, pabibilisin niya ang usad ng kaso ng mga Koreano na nabiktima ng mga pulis sa robbery extortion.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *