Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Showbiz mom, inisnab ang negosyanteng dati’y inuutangan

SA halagang P30,000 na pagkakautang (na ‘di pa raw bayad), nakilala tuloy ng isang lalaking negosyante ang showbiz mom na ito.

Kuwento ng mismong may pautang, noong walang-wala pa raw ang showbiz madir ay siya ang takbuhan nito. Hitsurang dis-oras ng gabi ay tinatawagan siya nito kapag nagigipit.

Pero nagbago na ang ihip ng hangin. Nagulat na lang daw ang businessman nang sumikat ng todo-todo ang anak nito. At kasabay ng pagsikat na ‘yon ay pagdami siyempre ng mga raket ng anak na katumbas ng halos ‘di na mabilang na pera.

Minsan ay ‘di sinasadyang nagkita sa isang event ang showbiz mom at ang businessman. Buong akala ng huli ay magiliw siyang lalapitan at kukumustahin ng madir.

Hindi naman daw niya ito sisingilin sa ‘di pa nababayarang utang, pero laking gulat niya nang deadmahin na lang siya nito. Himutok ng negosyante, dahil daw ba nakaahon na silang mag-ina mula sa kahirapan kung kaya’t ganoon na lang ang inasal ng madir?

Da who ang balasubas na’y isnabera pang showbiz mom na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Charisma Andrada.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …