Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ria Atayde Arjo Atayde Sylvia Sanchez
Ria Atayde Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Ria, ‘di maligawan dahil nai-intimidate raw kay Sylvia

NANAY na nanay talaga ang dating ni Sylvia Sanchez, na kilala ngayon sa tawag na Mommy Glo dahil sa The Greatest Love ng ABS-CBN nang imbitahan kami sa isang thanksgiving dinner nila sa ilang miyembro ng entertainment press.

Paano’y siya mismo ang nag-asikaso ng pagsisilbi ng pagkain dahil medyo mabagal ang pagsi-serve ng mga waiter.

Actually, hindi na bago ang ginagawang iyon ni Sylvia dahil sanay talaga siyang mag-asikaso ng mga bisita. Mahilig itong magluto para sa mga kaibigan ng kanyang mga anak gayundin ng kanyang mga bisita. Mahilig siyang mang-imbita sa kanilang tahanan at ipinagluluto niya ang mga iyon.

Nasabi nga niyang hindi malayo ang ugali ni Mommy Glo sa kanya na maasikaso sa mga anak.

Anyway, sa pa-dinner na iyon, naroon silang mag-iina, sina Arjo at Ria na pare-parehong abala sa kani-kanilang teleserye. Si Arjo sa FPJ’s Ang Probinsyano at si Ria naman ay sa My Dear Heart. At dahil lahat sila’y abala sa kanya-kanyang serye, natanong si Sylvia kung hindi raw ba nagrereklamo ang asawa niyang si Papa Art sa pagiging abala nilang tatlo.

Ani Sylvia, busy din naman si Papa Art sa negosyo nito. “After lunch ­aalis ng bahay at madaling-araw na rin umuuwi. Nasanay na rin siya,” anito.

Sa kuwentuhang iyon ay nasabi ni Ibyang (tawag kay Sylvia) ang ukol sa naudlot na panliligaw ni Arjo kay Alex Gonzaga.

“Sabi ng anak ko, sinabi si Alex na sarado raw ang puso niya sa manliligaw. Ang anak ko naman, hindi na itinuloy. Mahirap daw ligawan ang babaeng sarado ang puso sa manliligaw.

Sa ngayo’y may inili-link kay Arjo subalit ayaw niyang pag-usapan iyon. Mas gusto niyang maging pribado ang kanyang buhay-pag-ibig.

Sa kabilang banda, marami ang nagtataka na sa napakagandang mukha ni Ria ay tila walang mangahas na manligaw sa dalaga ni Ibyang.

“Nasa akin yata ang problema! Ha! Ha! Ha! Hindi ko rin alam kung bakit. Baka nai-intimidate kay Mommy.

“Pero, sabi rin ni Arjo, wag akong mag-boyfriend na taga-showbiz,” natatawang pambubuko ni Ria sa kapatid.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …