PAIIMBESTIGAHAN sa Kamara ang kontratang ipinasok ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) para sa pag-upa ng lugar ng Museo ng Maynila na lalagyan ng casino.
Kasunod ito sa paghahain nina Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc at Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr. ng kanilang House Resolution 708.
Ang resolusyong ito ay nagsasabing magsasagawa ng imbestigasyon ang House committee on good government and public accountability kaugnay ng lease contract ng Pagcor at Vanderwood Management Corporation.
Sinabi ng dalawang kongresista, nagawang makalusot sa rekonsi-derasyon ang Vanderwood makaraan ma-disqualify sa unang bidding.
Noon pang 24 ng Marso, 2015 ibinigay ng Bids and Awards Committee ang kontrata para dito at sa kaparehas na araw din na iyon ay naaprubahan ito ng board ng PAGCOR.
Ngunit hindi pinahintulutan ng Commission on Audit ang nasabing kontrata dahil natuklasang hindi pala ang Vanderwood ang nagmamay-ari sa lugar na pinarerentahan nito.