MATATANGGAP na ang kompensasyon ng 4,000 claimants na naging biktima ng human rights violations noong panahon ng Martial Law.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, iprinisenta ng Human Rights Victims Claims Board kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang desisyong bayaran ang inisyal na 4,000 claimants.
Ayon kay Abella, welcome development ito para sa mga naging biktima ng human rights violations noong panahon ng batas militar.
Sa kabuuan aniya, nasa 30,027 na ang nakakobra ng kanilang kompensasyon sa naging karanasan nila noong panahon ng rehimeng Marcos.