NATANONG si Maria Isabel Lopez ukol sa kung ano ang masasabi niya sa planong pagkuha ng interpreter ng ating Miss Universe candidate na si Maxine Medina sa gaganaping Miss Universe pageant dito sa ating bansa sa January 30.
Anang dating BB Pilipinas-Universe ’92, “Wala pa snaman tayong precedent na ang Miss Philippines ay kumuha ng interpreter in any pageant around the world even in the past. Wala rin naman tayong batas na nagsasabing bawal ‘yun.
“So, if ever, Maxine will be the first one to do it and she has every right to do it. Kung hindi mo ma-express maige ang answer mo or baka kabahan ka or you’re not confident enough, you’re always free to get an interpreter.
“But like what Gloria Diaz (former Miss Universe) said, it’s one in a million chance for her as being the host country. So, good luck na lang sa ating candidate,” giit ni Isabel.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio