CAGAYAN DE ORO CITY – Maging si Senate President Koko Pimentel ay nagulat sa lawak nang pagbaha sa lungsod ng Cagayan de Oro noong nakaraang Lunes.
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga miyembro ng konseho, iminungkahi niyang harangin ang panibagong proyekto ng Department of Public Works and Highway Region 10 (DPWH-10).
Layunin nito na maisailalim sa masusing evaluation ang lahat ng kanilang proyekto at alamin kung ano ang makukuhang benepisyo sa nasabing proyekto para sa mga residente ng Cagayan de Oro.
Nauunawaan ng konseho ang suhestiyon ng senador lalo na’t naging “useless” ang pinakabagong 1.8 meter-road elevation at bridge construction project na naipatayo sa pagitan ng Lim Ket Kai at Mindanao University of Science and Technology of Southern Philippines sa national highway ng Brgy. Lapasan.