PATULOY sa pagtaas ang bilang ng napa-patay na drug personalities sa isinagawang anti-illegal drug operations sa buong bansa.
Batay sa pinakahu-ling datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Project Double Barrel-Alpha, simula 1 Hulyo hanggang 22 Enero 2017, umakyat sa 2,503 drug suspects ang na-patay sa ikinasang 42,607 anti-drug police operations nationwide.
Habang nasa 51,547 drug personalities ang naaresto.
Ayon kay PNP Spokesperson, S/Supt. Dionardo Carlos, sa i-lalim ng Project Tokhang, halos nasa 1.2 milyon drug personalities ang sumuko sa PNP, mula sa nasabing bilang ay 1,092,209 ang users habang 79,224 ang pushers.
Sinabi ni Carlos, 35 pulis ng napatay sa anti-illegal drug operations habang 83 ang sugatan.
Inilinaw ni Carlos, sa bilang ng “police killed in action,” 10 dito ang isinasailalim pa sa validation.