Saturday , November 23 2024
ping lacson

“Tokhang for ransom” iimbestigahan ni Sen. Ping

Nagpatawag na ng imbestigasyon ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs  na pinamumunuan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson kaugnay ng tinatawag na “Tokhang for Ransom.”

Kung hindi tayo nagkakamali, minsan na nating naikolum ang nangyari sa isang legitimate na negosyanteng Tsinoy na kakilala pa ni Sen. Ping sa Valenzuela City, na pinasok ng mga nagpakilalang pulis sa kanyang opisina.

Mabuti na lang at nakita agad ng businessman sa kanyang CCTV ang pagpasok ng mga armadong lalaki. Agad niyang hinubad ang kanyang mga alahas kaya nang dalhin siya sa Camp Crame, e walang naeskoba sa kanya.

Sa madali’t sabi, sa panghihimasok ni Sen. Ping ay hindi nabiktima ng “Tokhang for Ransom” ang nasabing negosyante.

Pero hindi ganoon ang nangyari sa pinakahuling biktima na isang Korean national.

Mantakin ninyong pagkakuha sa Koreano noong umaga, kinagabihan ‘e dinala na sa isang punerarya sa Caloocan City ang kanyang bangkay at na-cremate agad.

Wattafak?!

Mukhang kailangan talagang imbestigahan ‘yang unti-unting lumulutang na “Tokhang for Ransom.”

Suportado ka namin diyan, Senator Lacson.

Kailangang mabunyag ang mga awtoridad na ginagamit, sinasabotahe at sinasamantala ang “drug on war” ng Pangulo.

Aabangan namin ‘yan!

PEDICAB SA KANTO
NG UN AVE AT TAFT AVE
NAGHAMBALANG SA KALYE

SIR Jerry, kahapon ay muntik masagasaan ang isang babae riyan sa kanto ng  UN at Taft Ave., aba imbes mag-sorry doon sa biktima, maangas pa ‘yung pedicab driver. Alam naman nating naghahanapbuhay sila, pero puwede bang huwag silang nakaharang sa kalye? Ano po ba ang ginagawa ng mga traffic police o MTPB bakit hinahayaan nilang nakaharang sa kalye ang mga pedicab na ‘yan sa UN at Taft Avenue?!

+63917890  – – – –

“DELIHENSIYA UNIT”
TAHIMIK NGUNIT
MAPANGANIB

KA Jerry, di n’yo ho ba napansin tahimik ang MPD delihensiya unit ni kupitan kc puro parating at kolektong ang lakad. Masuwerte lang ang driver ni kupitan at nakatakas sa tokhang ng pulis nakaraang linggo. Dapat mag-ingat si DD Coronel dto ky kupitan na tahimik pero matalim sa pitsaan.

+63905599 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *