INILINAW ni Health Secretary Paulyn Ubial, hindi pa sila namimigay ng libreng condoms sa mga paaralan.
Aniya, ang pagbibigay ng libreng condom ay plano pa lamang at kailangan pa nilang kumunsulta sa Department of Education (DepEd).
Ngunit kapag hindi pumayag ang mga guro, principals at school officials ay hindi nila igigiit ang nasabing plano.
Kasabay nito, idinepensa ng DoH ang planong mamigay ng libreng condom lalo na’t ang mga kabataan ngayon ay may karanasan o nakikipagtalik na bago mag-15-anyos.
Ang kanilang hakbang aniya ay itinuturing na “holistic strategy” para maiwasan ang pagkakasakit ng mga kabataan.
Dagdag niya, pag-aaralan din nila kung saang paaralan puwedeng ipatupad ang na-sabing plano.