MASAYANG ibinalita ng Malacañang ang pagpapalabas ng “hardship allowance” ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, inaprobahan ni Education Sec. Leonor Briones ang P977 milyon sa budget ng DepEd para sa nasabing allowance.
Ayon kay Abella, saklaw ng budget ang halos 17,000 eskuwelahan na ang mga guro ay nagtuturo sa multi-grade classes at hardship posts o mga eskuwelahang malayo, nasa conflict area, tinamaan ng kalamidad at mga gurong nagtuturo sa alternative learning system o community-based learning centers.
May inilabas nang komputasyon ang DepEd sa halaga ng matatanggap na hardship allowance depende sa layo o kung gaano kadelikado ng lugar na pinagtuturuan.
“Teachers assigned to multi-grade classes mobile teachers and alternatice learning system coordinators are set to receive their respective special hardship allowances amounting to P997,000,405,080 after DepEd Sec. Lingling Brioners approved on Wednesday January 18,” ani Abella.
Ang matatanggap ng bawat guro ay depende sa kanilang teaching load o kaya sa layo ng mga nilalakbay para marating ang eskuwelahan.