Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, proud sa husay nina Sylvia at Arjo Atayde

PROUD na proud ang magandang aktres na si Ria Atayde sa kanyang Mommy Sylvia Sanchez at Kuya Arjo Atayde. Bukod kasi sa mataas ang ratings ng mga TV show nilang The Greatest Love at Ang Probinsyano, parehong pinupuri sina Ms. Sylvia at Arjo sa husay na ipinamamalas sa naturang mga TV program.

Nang maka-chat namin si Ria recently, ito ang kanyang paha-yag:

“Masaya po ako para kay Mommy at Arjo sa mga nangyayari sa career at teleserye nila. Si Mommy po, super galing…hindi ko po alam paano niya nagagawa ‘yun. Tapos si Arjo po, super nag-blossom ‘yung career and super proud po ako sa kanya. Nakatutuwa po makita na naabot niya ‘yung mga pangarap niya.

“Ang ganda po pareho ng TGL and Probinsyano, super-super thankful ako to both shows sa ginawa nila for Arjo and Mommy.”

Naa-appreciate naman ni Ms. Sylvia ang pagiging thoughtful ni Ria. Nang dalawin niya kasi ang bida sa TGL after papurihan ng marami ang galing ni Ms. Sylvia at ang mga kasama sa TGL at matapos mag-worlwide trending ng Wednesday episode nila, ito ang post sa social media ng award-winning aktres.

“Ito ang masarap na premyo  =Ø pagkatapos ng mahabang eksenang mabigat sa dibdib  =Ø ang surpresahin ako ng anak ko sa set at sabihing, congrats mom, galing mo  =Ø hayyyyy! Kaiyak!! Salamat potpot @riaatayde you never fail to surprise me and make me feel loved=Ø #myeverything#mylife #daughter #family #happiness #blessed #priceless #grateful#thankuLORD.”

Ukol naman sa latest sa career ni Ria, ano na ang balita sa kanya?

Sagot niya, “Ang projects ko po now, I just did an appearance on My Dear Heart, the newest show of Dreamscape starring Zanjoe Marudo, Tita Coney Reyes, and Bela Padilla. Then starting on OTJ soon.”

Ang OTJ o On the Job ay isang mini-series ng HOOQ mula sa pamamahala ni Direk Erik Matti. Ang tema nito ay naka-focus sa media industry para sa Season 1.

Gumaganap siya rito bilang si Karen Salas at kasama ni Ria sa On The Job sina Bela Padilla, Arjo Atayde, Dominic Ochoa, Smokey Manoloto, Jake Macapagal, Christopher de Leon, at marami pang iba.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …