Saturday , November 16 2024

Pacquiao ‘referee’ sa Trillanes vs Zubiri sa Senado

NAGMISTULANG referee si Sen. Manny Pacquiao at iba pang mga senador dahil sa pag-awat sa muntikang pagpapang-abot nina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Juan Miguel Zubiri.

Ito’y makaraan pagtalunan ng dalawa ang isyu ng posibleng whitewash sa imbestigasyon sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).

Nag-ugat ang bangayan sa pahayag ni Zubiri na dapat ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon ang mag-imbestiga sa sinasabing panunuhol ni Jack Lam sa ilang BI officials, bagay na hindi sang-ayon si Trillanes.

Naunang sinabi ng dating sundalo na pinuno ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Conduct, na iimbestigahan ng kanyang komite ang kontrobersiya. Sa gitna ng kanilang pagtatalo, sinabi ni Trillanes, dapat ay maging handa sa giyera si Zubiri bagay na lalong nagpagalit sa senador kaya dinuro ang kasamahang mambabatas.

Matapos ang pagtatalo, nagkamayan ang dalawa makaraan  mamagitan ng ibang mga senador.

(N.ACLAN/C.MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *