MALAKI ang potensiyal ng newcomer na si Natsumi Saito na maging ma-tagumpay na singer/recording artist. Produkto ng The Voice Kids Season 1, si Natsumi ay recording artist na after i-produce ng album ng kanyang manager at vocal coach niyang singer/composer din na si Joel Mendoza mula Star Music.
Paano niya ide-describe ang kanyang album? “Masasabi ko po na ang album ko ay kompleto, kumbaga po sa mga pagkain na maraming choices, sa album ko naman po ay maraming genres. May pop, pang disco, ballad, at ‘yung mga uso po ngayon na magugustuhan po ng mga tao at teenagers na katulad ko. At higit po sa lahat, mapupuno ng love ang ating buhay sa mga nakakikilig na mga kanta sa album ko.
“May kanta rin po na para sa ating mga ina na nagsasakripisyo para sa ating magandang kinabukasan. Sigurado pong sasaya po sila kapag bumili sila ng album ko at hindi po nila ito pagsisisihan,” pahayag ni Natsumi.
Dream come true ba ito sa iyo, na may album ka na at isa ka nang Star Music artist?
Sagot niya, “Dream come true po talaga para sa akin ang magkaroon ng album at maging isang Star Music talent. Pangarap ko po talaga na mai-share ang talent ko sa singing sa buong mundo at maging isang Star Music talent, kaya po hanggang ngayon ay hindi pa rin po ako makapaniwala na nangyayari na po ito.”
Ano ang masasabi mo kay Joel? “Bukod po sa manager ko si Tito Joel, siya rin po ang gu-magabay sa akin, siya rin po ang naging tito at tatay ko po sa showbiz at coach sa pagkanta, pagmo-modelling, mga tamang pagtayo at pag-upo, at itinuturo rin po niya sa akin lahat ng maka-bubuti sa akin. Kaya po gusto ko siyang pasalamatan nang sobra dahil kundi po dahil kay Tito Joel at kay Mama ko na palaging nakasuporta para sa pangarap ko, hindi po mangyayari ang lahat nang ito.” Ayon kay Natsumi, ang kanyang album ay tribute niya sa kanyang ina na si Mommy Carmi na isang OFW sa Japan.
“Alam ko po ang paghihirap ni mama sa pagtatrabaho at ‘yung sakrispisyo niya kaya naman gagawin ko po ang lahat para mag-hit ang mga ni-record kong kanta.”
Kabilang sa cuts ng album ni Natsumi ang, It’s Never Easy, Para Lang Sa’Yo, Nananaginip Ng Gising, Hero in My Heart, Hard To Get at ang revival na Ikaw Lang Talaga.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio