BINAKLAS na pala ang imposing billboard ng isang tanyag na female personality sa isang pangunahing lansangan. Hindi na namin babanggitin pa kung ano ang kanyang ineendoso.
Pero marapat lang na wala na ang kanyang larawan doon dahil makaaapekto sa negosyo ng kanyang ine-endorse kung mananatili pa ito roon.
Maugong kasi ang balitang ‘di kagandahan ang kanyang kalusugan sa kasalukuyan, but in fairness sa mga taong nakakakita sa kanya with her physical changes ay mukha namang nakikipaglaban siya sa kanyang iniindang karamdaman.
Dasal namin at ng buong showbiz na malampasan niya ang pinagdaraanang pagsubok. Sa makabagong teknolohiya at sama-samang panalangin ay hindi imposibleng magkaroon ng milagro mula sa langit.
No more clues.
(Ronnie Carrasco III)