\SA hallway ng Radyo 5 ay nakasalubong namin si Danton Remoto, isang mahusay na multi-slashie. Propesor/mamamahayag/manunulat/komentarista sa radyo/tagapagtanggol ng LGBT rights.
Ang itinakbo ng aming tsikahan ay tungkol sa mga pelikulang kalahok ng nakaraang MMFF. Hindi ko man siya tahasang tanungin ay batid kong isa siyang purong Noranian.
Ramdam ko tuloy ang kanyang labis na pagkalungkot sa puwesto ng pelikulang pinagbidahan ni Ate Guy, ang Kabisera, sa takilya. Second to the last na nga’y ni isang award ay wala pa itong nasungkit noong Gabi ng Parangal.
But Sir Danton wouldn’t give up his hope na makababawi ang Superstar, only that she needs a really good material.
Nabanggit ni Sir Danton sa amin na may naiisip siyang film project para rito, that of the life and struggles ni Gabriela Silang mula sa ating kasaysayan.
“Alam mo,” hirit ni Sir Danton, ”kung may pera lang ako, ako na mismo ang magpoprodyus ng ‘Gabriela Silang’ movie ni Nora.”
Sa isip namin ay may punto ang aming kausap, himself a professor in history na hindi matatawaran ang kaalaman both sa mga kuwento ng nakaraan at sa takbo ng local film industry.
Totoong isang malaking disappointment ang sinapit ng Kabisera, napapanahon pa mandin ang sentro ng kuwento nito na sumasalamin sa mga kaganapan sa ating lipunang nasadlak sa talamak na problema ukol sa illegal drugs.
Maaaring nakalulungkot ding isipin na ang kabataan sa henerasyon ngayon ay walang gaanong sense of Philippine history, blame it on their recreational activities na umaagaw ng kanilang atensiyon sa mga makabuluhang bagay na makapaglilinang ng kanilang talino.
Kung may prodyuser lang sana sa tabi-tabi riyan—not necessarily a Noranian—na naniniwalang nasa mga pahina ng ating history books matatagpuan ang isang potensiyal na pelikula na posibleng makapag-angat muli sa kinang ni Ate Guy sa pelikula, let him come forward.
Walang iniwan kung saka-sakali sa tinamong acclaim ng pelikulang General Luna ni John Arcilla. Bago ‘yon ay hindi pa gaanong nagmamarka sa kamalayan ng sambayanang Filipino ang pangalan ng aktor.
Oo nga’t mahusay si John, pero it was through the Luna film na mas nakilala ang kanyang kalibre. With Nora, her sparkling screen presence is already a given.
Pagkakaroon nga lang ng mga taong manonood sa kanyang pelikula ang kapos.
So there.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III