TULAD ng alam ng lahat ay triple whammy ‘ika nga ang kapalarang sinapit ng pelikulang Kabisera ni Nora Aunor ng nagdaang taon.
Una, sa lahat ng walong opisyal na kalahok ng MMFF ay bukod-tanging ang entry lang ni Ate Guy ang tila inisnab ng Cinema Evaluation Board sa ‘di nito pagbibigay ng grade kahit man lang B.
Ikalawa, sa unang araw pa lang buhat nang mag-showing ang lahat ng entries ay second to the last ang puwesto nito in terms of box office take.
At ikatlo, nganga as in goose egg ang inani nito sa Gabi ng Parangal. Wala man lang ni technical award ang nahamig ng Kabisera.
So, anyare sa tinaguriang Reyna ng Metro Manila Film Festival since 1986? Anong suwerte (kung mayroon man) ang dumapo sa binansagang Grand Dame of Asia?
Wala na bang ningning ang isang Nora Aunor? At ano ang naging kontribusyon ng mga loyal niyang Noranians na dapat sana’y nakatulong sa pag-angat ng kinita ng pelikula ng kanilang idolo?
What went wrong?
May nagkomento sa programang Cristy Ferminute na ang lahat ng ito’y senyales na dapat na raw magretiro si Ate Guy sa showbiz. Mayroon ding nag-opinyon na baka ang pag-convert niya sa ibang relihiyon ang dahilan.
Kung kami ang tatanungin, these are unfair comments. Bakit pagpapahingahin ang isang mahusay na aktres tulad ni Nora? At ano naman ang kinalaman ng pag-anib niya sa ibang pananampalataya?
Sorry sa mga nagsasabi ng mga ito, but Nora Aunor is here to stay. Hindi ngayon na hindi siya pinalad last year ay sapat na para magdikta kung ano ang dapat niyang gawin o baguhin para gumanda ang takbo ng kanyang career.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III