NAGKATINGINAN lang kami ni Tita Cristy Fermin as Cristy Ferminutewas about to start noong Lunes ng hapon. May gusto raw kasing magsadya mismo sa himpilan ng radyo para magbigay-pugay lang.
Ni sa hinagap ay hindi namin inakala na ang tao palang ‘yon ay—dyaraaaan—si Mocha Uson. Kagagaling lang ni Mocha sa oath-taking sa Malacanang along with the other appointees.
Tulad ng alam ng lahat, isa nang board member si Mocha ng MTRCB, bagay na umani ng sari-saring reaksiyon mula sa publiko.
Higit pang pinagtaasan ng kilay ng marami ang “banta” ni Mocha na sa oras na nakaupo na siya ay tatawagin niya ang pansin ng mga TV network batay sa kanyang obserbasyon na ang ilan sa mga ipinalalabas na programa ay maituturing nang soft porn.
Sa puntong ‘yon tila binulabog ni Mocha ang mundo ng showbiz, kesyo anong karapatan daw mayroon siya to curb what she perceives to be soft porn on free TV gayong ano raw ba ang puwedeng itawag sa mga pinaggagagawa niya at ng kanyang grupong Mocha Girls (may Mocha Babes na rin daw)?
Pero para kay Mocha (na nagulat kami kung bakit hindi siya nag-alangang tumuntong muli sa TV5 gayong kamakailan lang ay tinawag niyang “bugok” ang mga taga-News), karapatan ng bawat isa na magbigay ng opinion.
Sana nga lang daw, panawagan niya, ay huwag siyang agad husgahan sa kanyang bagong tungkuling ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Rody Duterte.
At kung “malaswa” man noon ang uri ng kanyang pagtatanghal ay nakaraaan na raw ‘yon. Humihingi siya ng pagkakataon na sana raw ay huwag namang ipagkait sa kanya.
Kami man ay ilang beses na ring namimitik kay Mocha, pero this is one girl who knows our job well enough. And take note, kaiba sa maraming artista ay nagbabasa si Mocha ng mga isinusulat tungkol sa kanya, good or bad.
“Kaya banat pa more!” natatawang biro ni Mocha sa amin, and perhaps sa mga iba pang kasama sa hanapbuhay.
Again, Mocha is a cut above the rest ng mga kilala natin sa showbiz. Iba talaga kapag taglay ng isang tao ang values sa buhay.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III