Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
???????????????????????????????

Alvin Fortuna, enjoy sa pagiging aktor at businessman

KAYANG pagsabayin ni Alvin Fortuna ang paging artista at ang pagiging businessman. Ayon kay Alvin, puwede naman daw ito. Kaya naman gawin pareho nang hindi napapabayaan ang isa sa kanyang passion. “Puwede namang pagsabayin, ngayon bukod sa Cerchio Grill na resto namin, may new salon kami, ang Prettiserie Hair & Nail Salon na located both in Scout Limbaga St. sa Tomas Morato Avenue.

“About naman sa aking showbiz career, may three movies akong natapos. Ito yung Moon Over Baler, BHoy Instik, at Salamin. Plus, may bagong BDO print ad din ako. Sa Moon Over Baler, pulis ako roon at bida sina Vin Abrenica at Ellen Adarna, directed by Gil Portes. Sa Bhoy Instik bida sina RS Francisco at Ronwaldo Martin, directed by Joel Lama-ngan, at sa Salamin naman directed by GAV, bading na katiwala sa resort yung role ko.

“Now, priority ko ay business, enjoy din naman ako sa paggiging aktor at businessman. Kasi, nakakatutulong sa business ang pagi-ging aktor ko naman. Kapag may offer sa akin sa showbiz, go lang ako! Kapag wala naman, tuloy lang iyong business. Bale, kapag walang project ay sa business ako mas tumututok, ganoon lang.”

Si Alvin ay matagal nang bahagi ng showbiz. Bukod sa paggawa ng mga pelikula, madalas din siyang lumabas sa iba’t ibang TV shows at pati na sa commercials. Ang Cerchio Grill ay isa sa paboritong kainan sa mga showbiz function kaya added attraction ito sa mga customer ng natu-rang restaurant na makakita ng celebrities dito habang kumakain. Samantalang ang Prettiserie Hair & Nail Salon naman, ayon sa katotong Danny Vibas na nakapunta na roon ay sosyal ang porma at impressive ang ambiance.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …