Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Greatest Love, pinuri ng manonood; hiniling na ilagay sa Primetime

PURING-PURI ng mga manonood ang naging eksena na nalaman ng magkakapatid na Dimples Romana (Amanda), Matt Evans (Andrei), Aaron Villaflor (Paeng), at Andi Eigenmann (Lizelle) kasama ang apong si Joshua Garcia (Z) at bestfriend na si Ruby Ruiz (Mommy Lydia) ang ukol sa matagal nang itinatagong sakit ni Mommy Glo (Sylvia Sanchez), ang alzheimers disease.

Bumuhos ang papuri sa mga bida sa The Greatest Love, dahil sa nakaaantig na episode na punompuno ng tensiyon.

Marami ang napahagulgol at talaga namang naantig ang damdamin kasama na kami na sa totoo lang, araw-araw yata’y lagi kaming pinaiiyak ng seryeng ito.

Marami nga raw ang nagre-request na ilagay sa Primetime block ng ABS-CBN2ang The Greatest Love para mas marami ang nakakapanood.

Ayon sa abscbnnews.com, mismong mga bida ng TGL ay nadadala rin sa eksena.

Sa kanilang interbyu kay Joshua Garcia ukol sa naging eksena noong Miyerkoles, sinabi nitong ”Intense (eksena) at noong una kinakabahan na ako,” ani Z. ”Sabi ko kay Mami La (tawag niya kay Mommy Glo), parang hindi ko kaya ang take 2 hanggang take 1 lang ako.”

Hindi na raw kinailangan pang humugot ni Andi sa naturang eksena dahil talagang naiiyak na siya agad.

Sinabi naman ni Sylvia na napapaisip siya sa hirap na ginagampanan niyang papel.”Kaya ko ba sa totoong buhay na ganoon kahabang pasensiya sa anak na nambabastos? Hirap sagutin,” anito na sa totoo lang grabe nga naman ang ginagawang pambabastos at pambabalewala sa kanya lalo ng ng panganay na anak na si Amanda.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …