Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mocha, inuumpisahan na ang trabaho sa MTRCB

MOCHA blends! Sa mga ibinabahagi niyang idea sa kanyang pitak, bukas na bukas ang isip at puso ng isang Mocha Uson sa posisyong hindi naman daw niya hinangad o hiningi.

At ngayong naitalaga na siya bilang miyembro ng Board ng MTRCB, naihanda na rin ni Mocha ang sarili sa mga hindi magsasawang kumulapol ng opinyon nila sa kanya.

Malinaw naman ang dahilan niya kung bakit niya tinanggap ang posisyon. Dahil kinakailangan ng administrasyong Duterte sa nasabing sangay ng tulong sa pag-polisiya ng mga programa. At hindi pala tatanggapin ni Mocha ang suweldo niya rito. Sa halip ay ibibigay niya ito sa pagdo-donate ng groceries sa Duterte’s Kitchen o DSWD.

Ngayon pa lang, looks like Mocha’s already doing her homework. May mga natutuklasan na siya sa pinapasok na sangay.

Ang unang misyon nga raw niya eh, ang mapatigil ang mga soft-porn like scenes sa primetime TV. At sa 30 board members ay makatulong sila na maipaliwanag lalo sa kabataan kung ano ang pinanonood nila.

A tough act to follow pero buo ang loob at desidido si Mocha na magampanan ang itinalaga at ipinagkatiwalang responsibilidad sa kanya.

Definitely Mocha will blend well with the Board. They won’t get bored.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …