Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Harvey Bautista, gusto ring maging director tulad ng kanyang Lolo Butch

MAITUTURING na biggest break para kay Harvey Bautista, anak ni Mayor Herbert Bautista at ni Tates Gana ang pagbibida sa horror film na Ilawod na pinagbibidahan din nina Ian Veneracion at Iza Calzado na idinirehe ni Dan Villegas at mapapanood na sa Enero 18.

Ayon kay Harvey, nag-audition siya para sa nasabing role niya sa Ilawod na ginagampanan niya ang isa sa anak nina Ian at Iza. Sobrang ikinatuwa ng batang actor ang pagkakakuha sa kanya ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo.

Puring-puri naman siya ni Atty. Alonzo at ni Direk Dan dahil natural daw itong umarte kaya naman ganoon na lamang ang katuwaan ni Harvey na sa rami ng nag-audition ay siya ang napili.

Ani Harvey, hindi niya akalaing magiging first movie niya ang horror film pero nag-enjoy siya sa shooting at marami siyang natutuhan.

Unang napanood si Harvey sa Goin’Bulilit noong 2011 na gumradweyt na kamakailan dahil 13 taong gulang na siya at nagbibinata.

Bata pa lang ay gusto na ni Harvey na mag-artista at siyempre, ang idolo niya ay ang ama niyang si Mayor Bistek. Pinanonood niya ang mga movie ng daddy niya noon at ang pinaka-favorite niya ay ang Captain Barbell dahil mahilig siya sa super heroes.

Nasa high school pa lang ngayon si Harvey at balak niyang kumuha ng filmmaking kapag nag-kolehiyo na siya. Dream niyang maging direktor tulad ng kanyang loloButch Bautista.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …