Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allona Amor, balik-showbiz

BALIK-SHOWBIZ na ang dating sexy star na si Allona Amor and this time, sa telebisyon naman. Napasama siya sa  teleseryeng Oh My Mama ni Inah de Belenat ngayon ay napapanod naman siya Hahamakin Ang Lahat bilang yaya ng anak nina Joyce Ching at Kristoffer Martin.

Isa si Allona sa napaka-in-demand na sexy actress noong late 90’s.

Pero hindi naging madali ang pagbabalik-showbiz ni Allona. Nag-workshop siya under Light Of Life Management  ni Direk Anne Villegas.

Happy si Allona dahil kilala pa rin siya ng mga taga-production ng dalawang teleserye at ‘yung iba naman na ‘di siya naabutan, isang click lang naman sa internet at makikita nila ang mga pelikula niya noong araw na siya talaga ang bida at kung gaano siya ka sikat na sexy star na leading lady noon ni Jestoni Alarcon at iba pa.

Gusto ni Allona na makilala siya this time bilang isang magaling na aktres kagaya ng mga  idol niyang sina Jaclyn Jose at Sylvia Sanchez na nanggaling din sa pagpapa-sexy.

Kahit tumaba ng kaunti, maganda pa rin si Allona at mabait pa rin.

Nagpapasalamat si Allona dahil mabait sa kanya ang mga nakakasama niyang artista, maging ang mga nanay nito, staff, at direktor.

“Bata pa lang kasi ako madir umaarte na ako. Eh, ito talaga ang trabahong gusto ko na mukhang susundan naman ng anak kong si Josh,” sabi ni Allona.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …