Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkadiri ni Mocha sa kalaswaan, ilusyon lang ba?

PARANG too good to be true naman ang pasiklab ni Mocha Uson, ang newly appointed na board member ng MTRCB.

Aniya, hindi raw niya kukubrahin ang kanyang sasahurin, bagkus ay ido-donate na lang niya ‘yon sa Duterte’s Kitchen (ito ba ‘yung kainan sa Cubao, malapit sa Farmer’s Market sa Edsa?) o kundi man ay sa DSWD.

How very noble and well-intentioned, ‘di ba naman?

Pero ask lang namin, speaking of donations, sa tagal-tagal na rin ba bilang entertainer noon ni Mocha at sa dinami-dami na ng mga kalamidad na nanalanta sa ating bayan, was there one instance na nag-donate siya? Tanong namin, sagot din namin: for sure naman.

Doing live shows siguro ay ibinigay ni Mocha o ng Mocha Girls ang proceeds ng ilan sa kanilang mga pagtatanghal sa kawanggawa. For all we know, ‘di ba?

Pero ang dating sa amin ng kanyang pagwe-waive ng kanyang sahod ay isang malaking paandar, an attempt to impress sa Pinoys kundi man ang buong showbiz industry. Trying to be consistent with her statement noon na hindi siya interesado sa anumang puwesto sa gobyerno noong ikinakampanya ang ngayo’y Pangulong Digong Duterte.

Para sa amin, hindi ito ang sentro ng concern ni Mocha ngayong isa na siyangMTRCB board member. Ngayon niya higit dapat patunayan—more than her good intentions of sacrificing her material gains—na karapat-dapat siya sa puwestong kinalalagyan niya.

Mayroon pa siyang soft porn-soft porn na nalalaman that she wants eliminated sa telebisyon. Hayun, nakatikim siya ng pamba-bash sa social media tungkol sa uri ng kanyang pagtatanghal noon.

Ineng, hindi porke’t sabi mo nga’y tinalikuran mo na ang mga malalaswang pagtatanghal mo noon (nagsisisi ka pa nga, in fact) ay agad-agad bibilhin ng mga kababayan natin ang sinasabi mong pagbabago sa telebisyon.

Masyado naman yatang mabilis ang make-over mo! Rati kang disipulo ng kalaswaan, tapos ngayon ay parang diring-diri ka sa kalaswaan?!

Magtigil ka sa ilusyon mo, Mocha!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …