Saturday , December 21 2024

Pagkatay ng aso sa pelikula

MAINIT pa ring paksa ang brutal na eksena ng pagkatay sa isang aso na ipinakita sa isa sa mga pelikulang kalahok sa nagdaang ika-42 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nakapanghihinayang dahil mahusay ang pagkakagawa sa pelikulang “Oro” kaya nagwagi bilang “Best Actress” ang bida na si Irma Adlawan. Nakatanggap din ito ng “Best Ensemble Cast” at “Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence.”

Ngunit ang mga karangalang ito ay mabilis din nasapawan nang pumutok ang balita na totoo pala ang eksena ng pagpatay sa aso na ipinakita sa kanilang pelikula. Inireklamo ito ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Kinondena ng mga tao ang pelikula dahil sa naturang eksena. Ang tanong sa isipan ng marami ay kung kailangan ba talagang pumatay ng isang hayop upang gawing makatotohanan ang kanilang pelikula?

Noong una ay itinanggi pa ng mga producer na may aso na namatay sa ginawa nilang pelikula. Pero unti-unting nabuko na totoo ito. Sa katunayan ay dalawang aso raw ang nasawi sa paggawa ng pelikula dahil ang una ay hindi nakahinga nang isilid sa sako.

Kung nais nilang maging kontrobersyal ang “Oro” at mapag-usapan dahil sa naturang eksena ay nagtagumpay sila. Pero kung gusto nilang makuha ang interes ng marami upang dagsain ito ng mga manonood sa mga sinehan ay bigo sila.

Bunga nito ay binawi sa kanila ang FPJ Memorial Award at na-pull out sa mga sinehan ang kanilang pelikula. Bukod diyan ay na-ban ang kanilang direktor at producer na lumahok sa susunod na MMFF.

Ipinagbabawal sa Republic Act No. 8485 o “The Animal Welfare Act of 1998” ang pagmamalupit sa mga hayop. Ito ang dahilan kaya hinuhuli ang mga nagkukulong sa mga aso para madala sa mga katayan at gawing pulutan. Tiyak na batid ito ng mga gumawa ng pelikula.

Ang pelikula ay “make-believe” lamang o pagkukunwari na pagsasadula ng isang istorya. Napakaraming pamamaraan upang ipakita ang pagpatay sa isang hayop nang hindi ito tototohanin, maliban na lang kung dokumentaryo ang ginagawa.

Huwag kalilimutan na ang mga Filipino ay malapit sa mga hayop, lalo sa mga alagang aso na tapat at itinuturing na “man’s best friend.”

Sabi nga nila, pakainin mo ang aso sa loob ng tatlong araw at maaalala ka niya nang tatlong taon. Pero kapag pinakain mo ang tao nang tatlong taon, sa loob lang ng tatlong araw ay malilimutan ka na niya. Kaya nga ang iba ay mas tiwala pa sa kanilang aso kaysa mga tao.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *