INILUNSAD noong Martes bilang brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products si Bryan Termulo na minsang binansagang Prince of Teleserye Theme Songs at nasa pangangalaga ng Asian Artist Agency Inc. ng King of Talk na si Boy Abunda at ng BWB Records and Music Production Inc..
Natanong si Bryan ukol sa kung bakit tila nawala ito sa limelight gayung nagkasunod-sunod naman ang paglabas niya sa mga teleserye sa Kapamilya Network
Ani Bryan, hindi siya nawala. ”From the very beginning noong nag-teleserye na ako na kumakanta ng mga themesong, hindi alam ng lahat na nag-aaral na ako thoroughly. Noong dumating na binansagan na ako bilang Teleserye Theme Songs nasa 2nd year college na ako sa Trinity kumukuha ng Mass Communication. Kumbaga, kung mayroong work hindi ako papasok. Then the next day, kung may pasok magsusuot talaga ako ng typical na uniform and then mayroon na akong slots sa klase. That’s how I do it, so pinagsasabay ko siya.
“Sa pagsasabi n’yong nawala ako, I’m still around. Naiba lang ng linya kasi, singer turned to TV host. I’m doing now ‘Salamat Dok’ every Saturday and Sunday na ginagawa ko na siya. Naiintindihan ko po kung hindi ninyo napapanood ito dahil 6:00 a.m. po. Minsan nga hindi ko rin po napapanood ang sarili ko ha ha ha.
“More on hosting na po ako ngayon. I’m doing that more than one year na,”paliwanag ni Bryan noong ilunsad siya bilang newest ambassador ngMegasoft ni Ms. Aileen Go.
May segment si Bryan sa Salamat Dok na nae-enjoy naman niya ang pagiging TV host.
Ang huling dalawang teleseryeng ginawa ni Bryan ay ang Huwag Ka lang Mawawala at Dream Dad.
Ani Bryan, nae-enjoy niya ang ginagawa niya sa kasalukuyan bagamat aminadong hinahanap-hanap at mas magiging okey kung may mga project din siya sa pag-arte.
Ang Megasoft Hygienic Products Inc., ay tagagawa ng Cherub Baby Care Products, Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners, Super Twins Premium Baby Diapoers, Twins Lampein Comfort Baby Diapers, grand Adult Diapers, Fasclean Extra Power Detergent Powder and Megasoft Tissue ay nagtu-tour sa iba’t ibang eskuwelahan para mag-entertain at ipakalat ang kahalagahan ng edukasyon na tinawag nila ang kanilang advocacy naSchool is Cool.
Noong isang taon, naging matagumpay ang School is Cool Megasoftadvocacy nila na bumibisita sa 19 na eskuwelahan mula sa iba’t ibang syudad, munisipalidad, at probinsiya mula Luzon, Visayas, at Mindanao na nagbibigay recognition sa mga outstanding student at teacher at assistance ng kanilang respective school.
Ngayong 2017, nais doblehin ng Megasoft ang mga estudyanteng kanilang natutulungan at nararating sa pamamagitan at tulong na rin si Bryan. Una na nilang pinuntahan ang mula sa kanilang temang School is Cool tour ang Col. Lauro Dizon Memorial National High School sa San Pablo City, Laguna noong Enero 9.
“Bryan is an excellent performer and has shown commitment to Megasoft’s ‘School is Cool’ advocacy. Not to mention his passion for education,” giit ni Ms. Go, Marketing VP ng Megasoft Hygienic Products Inc..
Masaya naman si Bryan sa pagkakuha sa kanya bilang ambassador ng produkto. “I am very thankful to my Megasoft family for giving me the opportunity to experience all my passions in one event-education, singing and travelling. More importantly, I can get to interact with our youth, know their aspirations and challenges and inspire them to reach for their dreams through education,” giit naman ni Bryan.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio