GENERAL SANTOS CITY – Hindi na bibili ng dagdag na mga armas ang gobyerno sa $14 milyon grant na ibibigay ng China sa Filipinas.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorezana kahapon.
Ayon sa kalihim, nauna nilang plano ang pagbili sana ng maraming armas para sa mga CAFGU at sa mga pulis ngunit hindi na itutuloy dahil marami pang reserbang armas.
Dahil dito, uunahin muna ang pagbili ng fast boats para may gagamitin sa paghabol sa mga Abu Sayyaf, gayondin ng drones at sniper rifles.
Samantala, inihayag ni Secretary Lorenzana, totoo ang pakikipagkaibigan ng Filipinas sa Russia.
Layunin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng magandang relasyon sa pagnenegosyo at para makakuha ng mga gabay sa ma-kabagong mga teknolohiya ng Russia na maka-tutulong sa Filipinas.
Ngunit itinanggi ng kalihim na mayroong mi-litary alliance ang Filipinas sa Russia.