Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tama rin pala si PNoy!

KAHIT na paano, aba’y may tama rin pala si dating Pangulong Noynoy Aquino sa ginagawang desisyon nang maging pangulo siya ng bansa sa loob ng anim na  taon – 2010-2016.

Ano!? Labo naman yata, ang alin ba? Yes, si dating Pangulong Noynoy kahit na paano sa anim na taon niyang panungkulan ay nakapuntos din kahit isa. Ganoon ba? E ano naman iyong masasabing tama si PNoy sa kanyang naging desisyon noon?

Patungkol ito sa Social Security System (SSS) pension hike. O hindi ba maraming nagalit sa kanya nang mag-veto siya para sa nasabing increase? Tama! Hindi nga niya inaprubahan sa kabila na ipinasa na ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

So, anong bagong isyu sa SSS pension hike?

Hindi ba noong panahon ni PNoy, kanyang ibinasura ang panukalang P2,000 dagdag pensiyon para sa SSS pensioners. Sa katuwiran, hindi raw makakaya ng kasalukuyang pondo ng ahensiya bukod sa maaaring magresulta sa pagkalugi o paglubog (bankruptcy) ng SSS.

Makaraang ibasura o hindi pirmahan ni PNoy ang pumasang batas sa Kongreso hinggil sa dagdag P2,000, marami ang nagalit kay PNoy. Kaliwa’t kanan siyang binatikos ng pensioners lalo na ang kanyang mga kalaban sa politika.

Sinamantala ito ng mga kalaban at ginamit pang sandata sa nagdaang eleksiyon ng mga naging katunggali ng Partidong Liberal ni PNoy.

Ginamit sa pagpapogi ng ibang kanditado sa pagsasabing kapag sila ang manalo sa pagkapangulo ay kanilang aaprubahan ang P2,000 SSS pension hike.

In short nga po, natapos ang termino ni PNoy, walang SSS pension increase na napirmahan. Kaya maraming nadesmaya kay PNoy… hayun, natalo tuloy ang kanyang manok sa pagkapangulo, si Mar Roxas.

Anyway, kahit siguro inaprubahan ni PNoy ang SSS pension increase, malamang talo pa rin si Mar sa pagkapangulo.

Panahon na ni Pangulong Digong ngayon – para maging pogi ang kasalukuyang administrasyon. Binuhay ng mga alipores ni PDigong sa ekonomiya ang isyu ng SSS pension hike.

Ipinalit ito sa pagsasabing, makukuha na ang pension hike ngayon Enero 2017. Pero hinati ang dagdag na P2,000. Oo, isang libo daw muna…saka na ang dagdag na P1,000.

Okey na ‘yon kahit na paano. So, ang resulta, maraming pensioners ang nagsaya kahit hindi pa nila hawak ang dagdag pensiyon. Ipinangutang na nga yata ng ilan ang dagdag P1,000.

Ha ha ha!

Pero mukhang tama si PNoy sa desisyon niyang ibasura ang dagdag pensiyon. Tama si PNoy sa pagsasabing kapag ipinalit ang dagdag P2,000 malamang na lulubog ang bangka ng SSS.

Heto na nga, lumabas na ang katotohanan mula sa Department of Budget and Management (DBM). Hindi nga ubra ang dagdag pensiyon. Ngek! Iyan pulos pangako din kasi ang Digong administration. Oo hindi nga ubra ang pension hike sabi ng Palasyo.

Kung ano ang katuwiran ni PNoy noon, iyon din ang katuwiran ng Digong administration. Malulugi raw ang SSS.

Iyan na nga ba e! Tama ako! Marahil ito ang reaksiyon ni PNoy nang ibasura din ng Digong admin ang pangako nilang pension hike.

Meaning, wala nang mangyayaring P1,000 (muna) na increase.

So, may tama nga si PNoy lalo na ang kanyang economic advisers.

Sino-sino ba ang economic advisers ni PDigong, mukha yatang ipinapasubo ninyo ang Pangulo.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …