Friday , December 27 2024

Direk Dan Villegas, nanibago sa paggawa ng horror movie na Ilawod

TIYAK na maninibago ang mga manonood sa bagong handog ni Direk Dan Villegas ngayong 2017 mula sa Quantum Films, MJM Productions, Tuko Filmsand Butchi Boy Productions ang Ilawod na mapapanood sa January 18.

Isang horror film ang Ilawod na ang ibig sabihin ay downstream o sa ibaba ng agos. Bale first time gagawa ng ganitong genre si Direk Dan na mas kilala sa paggawa ng rom-com movie.

Ayon kay Direk Dan, nanibago siya ng bonggang-bongga sa pagdidirehe ng horror film na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Iza Calzado, Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manabat, at Harvey Bautista.

“Hindi po ako sanay, eh. Siyempre po, mahirap din naman ‘yung paulit-ulit ang ginagawa mong genre. Siyempre, masarap din naman na makagawa ng bago, mag experiment, you get to do new things.

“So, mahirap po. Kasi ibang-iba siya,” paliwanag ng box-office director.

Ang Ilawod ay mula sa panulat ng Palanca winner na si Yvette Tan. Si Tan ay matagal nang kaibigan ni Direk Dan na mahilig magsulat ng mga katatakutan. Marami ng libro na puro horror ang nailimbag na niya. Ang common denominator ng istorya niya sa Sidhi, The Child Abandoned (Pasig River), The Bridge (San Juanico), at Stars (Balicasag Island Bohol) ay tubig.

Nagkasundo sina Villegas at Tan na gamitina ng tubig bilang elemento ng istorya. Sa tulong ng director/GF ni Direk Dan na si Direk Antoinette Jadaone, imingukit nitong ang salitang Tagalog na Ilawod na sa Ingles ay downstream ang gamitin dahil ang opposite nito ay ilaya na upstream sa Ingles. Force of life rin ang tubig dahil ‘pag nakalangoy ka paitaas ay mabubuhay ka subalit kapag hinila ka pababa ay kamatayan mo na.

Ayon kay Tan, kuwento ng possession ang nabuo sa Ilawod pero walang actual demons at walang curses. Ngunit isang kuwento na kahindik-hindik ang sasanib sa isang pamilya, ang pamilya nina Ian at Iza.

Samantala, nakapagpahinga pala ng todo si Direk Dan nitong nagdaang holidays dahil wala siyang entry sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Dalawang taong magkasunod kasing may entry ang magaling na director, ang English Only Please noong 2014 at Walang Forever noong 2015. Kaya natanong ito kung hindi ba niya na-mis ang MMFF.

”Sa totoo lang po, medyo okay ako,” anito. ”Medyo okay, kasi wala pong stress ng Pasko. Hindi kasi, ‘di ba, Paskong-Pasko, naghihintay ka ng ano (update), kung magkano na ba ang kinita ng pelikula namin, Diyos ko!

”Eh nitong ano (last Christmas), ‘ay bahala kayong lahat, basta ako, matutulog ako’,” natatawang pagsi-share nito bagamat nag-edit pa rin namand aw siya last Christmas at naghanda para sa seryeng Ikaw Lang ang Iiibigin nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Pero natuwa siya na hindi siya stress last Christmas.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *