Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jacky Woo, nagtayo ng branch ng Kusina Lokal sa Davao

PATULOY ang pagdating ng magandang kapalaran sa Japanese actor, director, producer na si Jacky Woo. Dahil ang kanyang first business venture na Pinoy restaurant na pinangalanan niyang Kusina Lokal ay nagkaroon na ng ikalawang branch. Matatagpuan ang bagong Kusina Lokal sa Davao City.

Ayon kay katotong Joe Barrameda, dahil sa magandang kinalabasan ng Kusina Lokal ni Jacky sa Centris Walk sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue ay nagkaroon kaagad ito ng branch sa Davao City. Kamakailan lamang ay binuksan ang Kusina Lokal sa Davao na located sa Bldg A Door 1 & 2 Focal Point Ecowest Drive, sa Ecoland Davao City.

May kaibigan daw si Jacky sa Davao na nagkumbinsi sa kanya na magbukas ng branch doon at hindi naman siya nagkamali sa desisyong ito. Patotoo lang ito nang sinabi noon ni Jacky na gusto niyang palaganapin ang Filipino cusines, hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa man.

Nang naimbitahan kami rati sa Kusina Lokal sa unang branch nito sa Centris Walk, nag-enjoy kami nang husto. Masarap kasi ang mga pagkain dito at ang presyo ay very reasonable.

Sa kasalukuyan ay maganda ang naging pagtanggap ng Davaoeno sa Kusina Lokal na dinumog agad ang nasabing restaurant na parehong-pareho ang menu ng QC branch. Congratulations Jacky!

Hinggil naman sa showbiz career ni Jacky, sa ngayon ay napapanood siya sa Bubble Gang ng GMA-7. Very vocal si Jacky sa pagsasabi kung gaano siya kasayang maging bahagi ng naturang gag-show ng Kapuso Network. Abala rin ngayon si Jacky sa paggawa ng pelikula sa Europe titled Location Hunting.

ALAM NO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …