Saturday , November 16 2024

Hiling ng PBA coaches: Mas maraming laro sa ph arena

010917_front
“AWESOME, amazing, first-class!”

Ilan lamang ito sa mga nasambit ng grandslam Philippine Basketball Association (PBA) coach na si Tim Cone nang unang makatapak sa Philippine Arena, na pinagdausan ng ilang laro ng PBA teams na itinampok sa kinapapanabikang “Manila Clasico” sa pagitan ng Gin Kings ni Cone at ng Star Hotshots.

“Amazing, amazing,” paulit-ulit na usal ni Cone, na kumumpas sa 86-79 panalo ng Gin Kings laban sa karibal na Star Hotshots sa harap nang mahigit sa 20,000 manonood.

“Kamangha-mangha ang pasilidad na ito. Pinabilib ako nang husto ng palaruang ito. Napakalaki!”

Si Cone, tubong Estados Unidos at nagkolehiyo sa George Washington University sa Washington, D.C., ay nanggilalas sa Philippine Arena na kanyang inihambing sa mga pamosong indoor stadium sa US.

“Wala pa akong nakitang ganito, ngayon lang. Marami na akong napuntahang mga stadium sa Estados Unidos ngunit wala pa akong nakitang kagaya nito doon,” ayon sa coach.

“Kahit kakatabi ko lamang upang pumarada at nakita ang laki nito… nakapunta na ako sa Staples (Staples Center sa Los Angeles ng LA Lakers), nakita ko na rin ‘yung sa Denver, marami-rami na rin ang mga coliseum na aking napuntahan, ngunit walang maihahambing dito,” paliwanag ni Cone.

“Tunay ngang ito ay isang first-class facilty. Kahit araw-araw, kaya kong maglaro rito,” ani Cone na 25 taon nang coach sa PBA.

Ganoon din ang sentimyento ng coach ng Mahindra na si Chris Gavina na siyang kumumpas sa 97-93 na dikitang panalo ng Floodbusters laban sa Blackwater Elite, at umaasang mas maraming laro ng PBA ang idaraos sa Philippine Arena.

“Sana nga linggo-linggo ang laro namin dito. Kahit na anong araw, basta manalo, gusto kong dito ang laro,” ayon kay Gavina.

Ang Philippine Arena na nasa 140 ektaryang Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan, ang pinakamalaking indoor stadium sa mundo. Kayang manood sa nasabing pasilidad, na pinasinayaan noong Hulyo 2014, nang mahigit sa 55,000 katao.

Ilan lang sa mga pangunahing event na idinaos sa Arena ang Prismatic World Tour ng international pop star na si Katy Perry na umakit ng 30,050 katao; ang premiere ng biopic na Felix Manalo na naitala sa Guinness Book of World Records na pinanood ng 43,624 katao; at ang Eat Bulaga Alden Richards-Maine Mendoza special “Sa Tamang Panahon,” na 55,000 katao ang dumalo.

Ang Philippine Arena NLEX Exit ay nakatakdang buksan sa taon na ito.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *