Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christian Bables, malaki ang utang na loob kay Direk Jun Lana!

AMINADO si Christian Bables na malaki ang utang na loob niya sa director ng Die Beautiful na si Direk Jun Robles Lana. Ayon sa isa sa bituin ng Die Beautiful na siyang naging top grosser sa nagdaang Metro Manila Film Festival, habang buhay daw niyang tatanawing utang na loob ang nangyari sa kanya sa pelikulang pinagbidahan ni Paolo Ballesteros, na nakilala siya ng madla at nanalo pang Best Supporting Actor.

“Habang buhay ko pong tatanawing utang na loob ito kay Direk Jun Lana and kay Direk Perci at sa lahat ng bumubuo sa Idea First Company at Regal dahil sila po ang nagtiwala sa akin. Wala po akong pangalan, kagaya nga po ng sinasabi ko, hindi po ako existed kumbaga, pero sila yung naniwala sa kayang kong gawin as an actor and for that habang buhay na itong nakatatak sa puso ko,” saad ni Christian nang makapanayam namin recently.

Dagdag pa niya, “Noong una sobrang overwhelmed po talaga, pero ayaw ko pong mag-stay sa pagiging overwhelemed. So, ayun I prayed, ngayon I must say, masayang-masaya po ako, masayang masaya po yung puso ko dahil napahalagahan ng mga tao yung pagmamahal ko sa pag arte. Na nakita nila kung gaano kahalaga sa akin yung pag-arte. Sobrang thankful ko po,” masayang banggit pa niya.

Inusisa namin siya kung gusto ba niya ulit makatrabaho sina Paolo at Direk Jun?

Sagot niya, “Opo, gustong-gustong-gustong-gusto po. Kasi, pamilya na yung turing ko sa kanila at feeling ko magiging-alam mo yun kuya? Para na lang kaming naglalaro kapag kami na yung magkakatrabaho. Kasi sobrang pamilya na yung turingan namin sa isa’t isa at napakasarap pong katrabaho nina Direk Jun at Paolo.

“So, kung bibigyan po ako ng pagkakataon, gusto ko po talaga ulit na makatrabaho sila, sana.”

Nasabi rin ni Christian na maraming mga offer sa kanya ngayon. “Sa ngayon, maraming pong mga offers pero wala pa pong definite na masasabi kong mayroon na akong next movie. Kasi, di pa po ako nakakapag-start mag-shoot, di pa po rumorolyo yung camera.”

Sa next movie mo, ano kayang papel ang sa tingin mo ay magiging challenging para sa iyo tulad ng pagganap mo sa papel ni Barbs?

“Para po sa akin, kahit ano naman pong role o character ay challenging. Kasi, magpo-portray ka ng ibang katauhan na malayo sa iyo, na iba sa pagkatao mo, iba po yung characteristics ng karakter mo at iba yung characteristics ng ibang tao.

“So for me, every role is a challenging role, it’s just a matter of how you work hard to be the character, to be the person na ipino-portray mo.”

ALAM NO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …