Friday , December 27 2024

Ang laos na ‘papogi’ ni MMDA chair Tom Orbos

010917-bonifacio-lawton-illegal-terminal
TILA naghihimagsik ang kalooban ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Liwasang Bonifacio (dating Plaza Lawton) sa tapat ng Central Post Office Building sa Ermita, Maynila, dahil ang lugar na dating tagpuan at lunsaran ng malalaya at progresibong kaisipan sa pagpapalaya ng bayan ay nanlilimahid, tambayan ng mga illegal vendor at mga ‘palaboy,’ higit sa lahat ginawang illegal terminal ng mga kolorum na sasakyan na kadalasan ay sanhi ng pagsisikip ng trapiko sa nasabing area. Paging MMDA Chair Tom Orbos! (Kuha ni BONG SON)

Si Chairman Tom Orbos, parang nakukulangan siguro sa ‘kapogian’ niya.

Bakit?!

Kasi panay ang papogi roon sa EDSA.

Pinaghuhuhuli ang mga kolorum na sasakyan at illegal terminal.

Malamang karamihan diyan mga van na UV Express na napatunayang kolorum.

Kumbaga driver lang ang may lisensiya ‘yung sasakyan ay walang prangkisa kaya kolorum.

Pero ang ipinagtataka nga natin, bakit sa EDSA lang nakatutok ang operasyon ni MMDA Chair Tom Orbos?

Bakit hindi niya puntahan ang Lawton sa Maynila, para makita niya ang sandamakmak na UV Express na ginawa nang terminal ng mga kolorum ang buong Plaza Lawton.

‘Yan ang pinakamalaking illegal terminal sa buong Maynila!

Hindi makanti ng awtoridad dahil halos lahat ay nakapayola na riyan?!

‘Yan rin ang sinasabing dahilan ng prehuwisyong trapik sa Kamaynilaan dahil hindi lang sandamakmak na kolorum van ang pumaparada diyan kundi pati kolorum provincial bus?!

MMDA Chair Tom Orbos, ano ang rason kung bakit hindi umaabot sa Plaza Lawton ang inyong operation?!

Napipiringan ba kayo sa mata?! At nabubusalan sa bibig?! Sana naman ay hindi…

‘Di ba Chairman Orbos?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *