PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga napapatay na drug personalities sa inilulunsad na anti-drug ope-rations ng pambansang pulisya sa buong bansa.
Batay sa inilabas na datos ng PNP, simula 1 Hulyo 2016 hanggang dakong 6:00 am ng 8 Enero 2017 umakyat na sa 2,208 ang napatay na mga drug suspect.
Ang nasabing bilang ng mga napatay ay bunsod nang isinagawang 41,900 anti-drug operations sa buong bansa.
Habang nasa kabuuang 44,312 drug personalities ang naaresto.
Sa ilalim ng Project Tokhang, pumalo na sa higit 6,000 bahay ang nabisita ng PNP.
Sa ngayon, nasa 1,020,904 drug personalities ang sumuko, nasa 75,481 dito ay drug pushers at higit 945,000 ang drug users.
Samantala, 35 pulis ang namatay sa anti-drug operations habang 77 ang sugatan, sa panig ng AFP ay nasa walong sundalo ang namatay.