Friday , December 27 2024

Wala akong tatanggaping suweldo sa MTRCB — Mocha

IGINIIT ni Mocha Uson na hindi niya pinangarap pasukin ang politika. Hindi rin daw siya tatanggap ng suweldo mula sa pagiging MTRCB (The Movie and Television Review and Classification Board) Board Member. Bagkus, ibibigay niya ang suweldong nakalaan sa kanya sa DSWD at sa Dueterte’s Kitchen.

Ito ang nakasaad sa Facebook account na Mocha Uson Blog na ipinaliwanag niya kung bakit tinggap niya ang pagiging MTRCB Board member.

Sinabi rin ni Mocha na nabalitaan niyang nangangailangan ng tulong ang MTRCB subalit walang gustong tumulong dahil sa kababaan ng suweldo.

Ukol naman sa mga negang tao, inihayag niyang huwag na lamang pansinin o bigyang halaga ang mga ito bagkus ay ipagpatuloy ang pagtulong sa kapwa.

Idinagdag pa ni Mocha na magdadala siya ng pagbabago sa MTRCB at ang unang-una raw niyang gagawin ay ang hindi pagpapayag sa pagpapalabas ng soft porn sa TV kapag primetime.

Narito ang kabuuang post ni Mocha.

“Gusto ko lamang pong magpasalamat sa inyo mga kaDDS sa inyong patuloy na tiwala. Asahan po ninyo na sa bagong challenge na ito ay patuloy natin ipaglalaban ang TUNAY NA PAGBABAGO sa ating bayan.

“Ikuwento ko lamang po kung bakit ko po ito tinanggap. Alam naman po ninyo na noon pa man ay wala akong pangarap pumasok sa masalimuot na mundo ng politika. Hindi ko po ito pinangarap hanggang ngayon. Ngunit dahil sa mga sitwasyon na nakita ko po sa industriya natin sa pelikula at telebisyon ay tinanggap ko po ang pagiging board ng MTRCB.

“Nabalitaan ko po sa ilang supporters na nangangailangan ng tulong ang Duterte Administration sa larangan ng MTRCB dahil marami raw po ang tumanggi sa position na ito dahil mababa ang sahod. Kaya akin pong naisip na tumulong po dahil ang ating isinusulong ay bolunterismo.

“Tinanggap ko po itong pagiging board ng MTRCB sa kondisyon na wala po akong tatanggaping suweldo.  Sana po ay kanilang tanggapin ito. At kung hindi naman, ibibigay ko po ang 100% na sahod ko sa Duterte’s Kitchen (DK) at sa DSWD Centers/Projects.

“Akin pong i-video/document sa tuwing tatanggap po tayo ng sahod at idederetso natin ito sa DK at DSWD.

“Tungkol naman sa mga bleeding hearts, hayaan na natin ang mga negative na tao. Ang importante ay tulungan natin ang ating bayan. Tulad ng sinabi ko po, 2017 is the year of the ORDINARY FILIPINO. Mabuhay ang Pilipinas!

“ I promise to help bring change to MTRCB. At sa mga bumabatikos na kesyo magiging malaswa na raw ang MTRCB dahil sa pagiging open-minded ko eh hindi po kayo updated. Matagal na po ‘yang mga video o picture na ina-upload ng mga hater. Asahan niyo po, my first mission is to NOT ALLOW SOFT PORN sa TV during primetime. Alam kong mahirap dahil isa lang po ako at marami ang board members ngunit pipilitin natin ma-convince ang board na hindi tama na ipalabas ito sa oras na makakapanood ang bata.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *