Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bahay Trese, hanggang Enero 15 na lamang

ILANG araw na lamang at magsasara na ang pintuan ng Bahay Trese sa Building 3 ng Sta.  Lucia Mall sa loob ng World of Fun. Kaya dapat samantalahin ng mga mahihilig sa kababalaghan ang pagkakataong ito para makapasok sa haunted house na hanggang Linggo na lamang bukas, Enero 15.

Ang bawat bisita ay may 20 minutong pagkakataon para libutin ang bawat kuwarto ng bahay at maramdaman ang nakapaninindig-balahibong takot mula sa iba’t ibang karakter na nakatira sa Bahay Trese.

Ang kuwento ng Bahay Trese ay base sa tunay na mga pangyayari noong 1945, panahon ng Hapon sa bansa. Sinunog ang mga bahay, ginahasa ang mga babae, at sunod-sunod na pinatay ang mga kalalakihan sa siyudad ng Maynila.

Maraming bisita ang natuwa sa kuwento ng Bahay Trese.

Bukas ang bahay tuwing Biyernes hanggang Linggo, 3:00 p.m.-9:00 p.m..

Maaari ring hanapin ang mga detalye tungkol sa Bahay Trese sa https://www.facebook.com/BahayTrese/?fref=ts

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …