Saturday , November 16 2024

No drones, cellphone signals sa prusisyon ng Poong Nazareno

ANG cellphone signals ay idya-jam at ang drones ay ipagbabawal sa gaganaping traslacion o prusisyon ng Black Nazarene sa Maynila sa 9 ng Enero, araw ng Lunes, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Ang hakbang na ito ng AFP ay bunsod nang pangambang pag-atake ng mga terorista sa gaganaping prusisyon, inaasahang daragsain ng mil-yon-milyong Filipino Catholics, kasunod ng serye nang pagpapasabog sa iba’t ibang bansa.

Ang desisyon na pag-jam sa cellphone signals ay kasunod ng bomb scare na bumulabog sa erya malapit sa US Embassy sa Roxas Boulevard nitong Nobyembre.

Ang Quiapo Church, Quirino Grandstand at ruta ng prusisyon ay i-dedeklara ring “no-fly zones”.

Noong 2012, ang cellphone signals ay naka-jam din sa ruta ng prusisyon makaraan balaan noon si dating Pangulong Benigno Aquino III nang posibleng pag-atake ng mga terorista.

Nauna rito, sinabi ng mga opisyal ng Minor Basilica of the Black Nazarene, inaasahang 15 milyon hanggang 18 milyon mga deboto ang daragsa sa Quiapo Church muma 31 ng Dis-yembre hanggang 10 ng Enero, 2017.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *