Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isang Numero ni Kris Lawrence, unang mapanonood sa MYX sa Jan. 6

LABAS na ngayon ang latest single ni Kris Lawrence na may titulong Isang numero. Ito’y komposisyon ni Noah Zuniga at ipinrodyus at iniayos ni Marcus Davis Jr.. Available na ito ngayon sa iTunes at Spotify.

Sa tweet ni Kris ukol sa kanyang latest single na unang mapakikinggan sa Biyernes, January 6 sa MYX, ”ISANG NUMERO will be Premiering on @MYXPHdotcom on Friday, Jan. 6 at 6pm. Stay tuned!!”

Hindi natuloy ang unang planong pag-release ng Trilogy dahil sa Holiday season at naniniwala si Kris na noong New Year ang perfect time na i-release ito.

Anang singer/composer nang ipa-describe sa kanya ang single,”Isang numero, it’s an R&B song, for me I feel like this is gonna be the first of it’s kind. Definitely a new sound of Pinoy R&B, kasi global ‘yung production, global sounding, international sounding, pero Tagalog ‘yung lyrics and I hope it’s something new and it’s a risk, definitely a risk for me.

“Kasi, iba siya eh. It’s a new sound, it’s a new sound for the Philippines.”

Ani Kris, masaya siya sa takbo ng kanyang career ngayon. ”I am, I am (happy). Well, there’s ups and downs earlier in the year, I wasn’t… towards the end of the year siguro September, noong Ber months, naging okay,” nakangiting saad niya.

Dagdag pa ng Grand Winner sa Star in a Million ng ABS-CBN noong 2006, ”So, nang natapos ang kontrata ko (sa Universal Records), humataw ako sa paggawa ng mga kanta. So, hayun, I started making a lot more music for myself, a lot of collabs… I did a lot of collaboration with other artists that wanted to collab. I just said yes to everything kasi, I was free, I was like a free bird. So, ang daming naipon na ideas sa akin, so, kailangan ko ng outlet.”

Si Kris ay nakapag-release na ng apat na album. Kabilang dito ang Kris Lawrence mula Star Records, Moments of Love ng MCA Records, Spread the Love ng GMA Records, at Most Requested Playlist mula Universal Records. Ang dalawang huling album ni Kris ay nagbigay sa kanya ng apat na tropeo noong 2014 at 2016 Star Awards for Music ng PMPC para sa kategoryang R&B Album of the year at R&B Artist of the year.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …