AMINADO at hindi itinatanggi ni Direk Pedring Lopez na ginaya nila ang mga pelikulang The Blair Witch Project o iyong Paranormal sa pelikulang bagong handog ng Viva Films, ang Darkroom na ipalalabas na sa Enero 18.
Ani Direk Lopez, ”ginaya dahil ‘yun ang genre namin.”
Isang documentary horror movie ang Darkroom na magsasama-sama ang most promising actors na sina Ella Cruz, Bret Jackson, AJ Muhlach, Donnalyn Bartolome, Andrew Muhlach, Rose Van Ginkel, Caleb Santos, Samantha Capulong, at Jack Reid.
Ang pelikula’y tungkol sa isang barkada na napagkatuwaang mag-ghost hunting. Isang lumang camera ang napulot nila sa isang lumang bahay sa Tagaytay at sa paggamit nila nito, isang masamang espirity ang gugulo sa kanilang buhay.
Sinabi pa ni Direk Lopez na fan siya ng ganitong klase ng genre—suspense horror.”May audience rin kasi ang ganitong genre abroad kaya hopefully makasali ito sa festival abroad,” sambit pa ng director na ang mga naunang idinireheng pelikula ay may ganito ring tema tulad ng Nilalang na nakasali noon sa Metro Manila Film Festival 2015 at Binhi.
Sambit pa ng director, isang videocam, isang maliit na video cam, at cellphone ang ginamit nila sa paggawa ng pelikula. ”Wala kaming monitor,” anito. “Pinakamahirap gawin ang cam footage. Mahirap kasi ang blocking tapos lahat nagre-record. Kaya very challenging talaga ang paggawa nitong Darkroom,” giit pa ni direk Lopez ukol sa mga challenge na nakaharap niya sa paggawa ng pelikula.
Nilinaw pa ni Direk Lopez na hindi totoong mas tipid ang ganitong klase ng pelikula. ”Hindi siya cost cutting. Kasi may ilaw din kami, DOP, kahit hindi kami gumamit ng malaking camera, ‘yun lang siguro ang kaibahan naming, pero ang halaga, pare lang.
“Sobrang love ko rin kasi ‘yung genre na ito kaya pinu-push koi to (horro-suspense genre).”
Bagamat mahirap, naibsan naman ito ayon sa direktor dahil sa hindi inaasahang galing ng mga artistang bida sa Darkroom. ”Nagulat ako kahit newbie sila. Sobrang gagaling kaya happy ako sa cast. Maganda ang samahan nila ýung barkadahan nila.
Tiwala rin si Direk Lopez na tatangkilik ang Darkroom ng publiko bagamat hindi horror month ang Enero. ”Naniniwala ako na ready na ang audience natin sa ganitong genre. And that’s why we start the year with a horror movie.”
Kaya kung gusto ninyong matakot watch na kayo ng Darkroom. Pero isang babala, ‘wag kayong manonood mag-isa.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio