Sunday , December 22 2024

Ba’t ‘di pa total ban on manufacturing?

SISENTA por siyento ang ibininaba ng bilang ng mga naputukan nitong nagdaang pagsalubong sa taong 2017.

Congratulations Department of Health (DOH) sa epektibo ninyong kampanya para sa iwas-paputok at iwas-disgrasya.

Sa malaking bilang ng pagbaba ng mga biktima, isa pang ibig sabihin nito na marami nang natakot sa paggamit ng paputok lalo ang mga ipinagbabawal – malalakas na paputok maging ang picolo – kapiranggot na paputok pero madalas na naitatalang may pinakamalaking bilang ng nabibiktima.

Small but terrible ‘ika nga.

Natakot ang marami dahil nakita at napanood nila sa campaign ads ng DOH ang masamang resulta ng mga paputok at maging ng pailaw.

Ipinakita sa ads na marami ang nawalan ng daliri, napuputulan ng buong kamay, nasunugan ng bahay at kung ano-ano pang klaseng disgrasya dulot ng mga naputok. Kaya ang resulta ay natakot nang gumamit ng paputok ang nakararami.

Ang nakatatawa rito, lumalabas na batid ng marami ang masamang dulot ng paputok pero bakit kinakailangan pang hintayin ang kampanya ng DOH. Hindi ba natin kayang disiplinahin ang ating mga sarili.

Iyon bang boluntaryong huwag nang magpaputok – hindi dahil sa kampanya ng DOH kundi batid na puwedeng may masamang mangyari sa pagpapaputok.

Pero hindi e, sadyang marami kasing matitigas ang ulo kung kaya kinakailangan pang gumastos ang gobyerno mula sa kaban ng bayan para paalalahanan ang mamamayan sa masamang resulta nito.

Sa susunod na pagsalubong kaya, siyento por siyento na kayang wala nang mabiktima? Ewan ko. Pero hangga’t nandiyan ang matitigas ang ulo, mayroon pa rin nalalabing biktima ng paputok ngunit, ang matitiyak natin ay malamang na lalo pang bababa ang bilang ng mga biktima.

Ok good kung magkaganoon man.

Pero hindi ba mas maigi sana kung magbaba na ang gobyerno ng total ban sa pagpapaputok?

Oo naman, mas magandang solusyon ang total ban pero malamang may makalulusot pa rin siguro. Siguro lang ha! Pero kapag may total ban na, dapat maging vigilante ang lahat. Agad itawag sa awtoridad ang kapitbahay na makitang gumagamit ng paputok lalo na kapag ipinagbabawal ang pinapuputok.

Total ban lang ba ang dapat na ipatupad laban sa paputok kung ang target ay zero casualties? Mahirap pero puwede kung talagang estriktong ipatutupad ang kaparusahan sa mahuhuling gumamit.

So, ano ang magandang solusyon?

Hindi ba mas maganda na itigil ang paggawa nito? Lahat ng klaseng paputok, delikado man o hindi ay ipatigil ang pagmamanupak-tura?

Sa paanong paraan mapatitigil ang manufacturing ng paputok? Simple lang kung gusto ng gobyerno. Bawian ng lisensiya ang lahat ng  pagawaan ng paputok.

Ipasara ang mga pagawaan ng paputok at saka bigyan ng bago para sa pagmamanupaktura ng pailaw o lusis. Ang mahuli sa aktong nagmamanupaktura ng paputok ay agad bawian ng lisensya kasabay ng pagpapasara sa pagawaan bukod sa pagsasampa ng kaso.

Malamang sa suhestiyong ito, tiyak mararating ng gobyerno ang zero casualties sa mga susunod na pagsalubong.

Pero dapat din mapagbantay ang gobyerno dahil marami rin malalakas na paputok na nakalulusot sa mga pantalan mula sa ibayong dagat. Yes, talamak din ang smuggling ng pa-putok.

Kaya kung magkaroon ng total manufacturing. Hindi lang sa mga pagawaan sa Bulacan ang bantayan kundi maging ang mga tiwali sa Bureau of Customs na nagpapalusot ng smuggled firecrackers  at fireworks mula sa China.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *