Friday , November 15 2024

Paghandaan ni Digong ang 2017

MALAKING pagsubok ang susuungin ngayong 2017 ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Dapat niyang paghandaan ang kanyang mga kalaban sa politika, lalo na ang mga grupong nagnanais na patalsikin siya sa kanyang puwesto.

Tiyak na magiging agresibo ngayon ang mga nasabing grupo lalo na ang dilawan na pinamumunuan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ng Liberal Party kabilang na ang simbahang Katolika, ang makakaliwang grupo at ilan pang indibiduwal na may koneksiyon sa pulis at militar.

Kailangang tutukan din ng administrasyon ni Duterte ang Central Intelligence Agency (CIA) na aktibong nag-o-operate sa Filipinas dahil tiyak na kumikilos ito para udyukan pang lalo ang mga ginagawang pagkilos ng mga grupong kontra sa kanyang pamahalaan.

Hindi rin kailangan kalimutan ni Duterte ang mga negosyanteng galit sa kanyang mga polisiya dahil posibleng sila ang magbigay ng suportang pinansiyal sa mga gagawing pagkilos ng mga kalaban ng kasalukuyang administrasyon.

Kailangan mas palakasin pa ni Duterte ang kanyang mass base para ito ang sasagot sa lahat ng kilos-protestang ilulunsad laban sa kanya.  Sa pamamagitan ng organizing work at pagpapalakas ng mga pangmasang organisasyon mabibigo ang mga kalaban ni Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *