Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian Veneracion, spoiled brat na feeling star ang first impression kay Bea Alonzo!

AMINADO si Ian Veneracion na kakaiba ang first impression niya sa kanyang leading lady sa A Love To Last na si Bea Alonzo. “Ang unang impression ko sa kanya, you know, feeling ko, parang typical spoiled brat. Kasi everyone treats her like a queen. Ang impression ko noong una, ‘A, maarte ito, feeling superstar. Iyon ang akala ko, pero sobrang mali pala ako kasi sobrang down-to-earth niya.

“Iniisip ko lang, I mean, matagal na sa showbiz, tapos hindi ko naman siya kilala. Iyon nga, because everybody treats her a certain way. Hindi mo naman maiiwasan na sometimes you actually believe that you’re special because everybody treats you na ganoon. Pero iyon nga, sandali lang, in just a few minutes nakita ko na, ‘Ay, okay pala siya,’” nakangiting pahayag ni Ian sa presscon ng naturang pelikula.

Reaksiyon naman ni Bea sa pahayag na ito ni Ian, “Grabe ka! Hindi ko akalain na ganoon ang tingin mo. Hindi ko akalain na mayroong mga tao na ganoon ang tingin sa akin. Ngayon lang ako nakarinig ng ganoon. Baka si Papa I lang iyon,” saad ni Bea patungkol kay Ian na Papa I ang tawag nila ni Iza Calzado.

Sinabi pa ni Bea na masaya siya na nakilala nang husto ngayon si Ian habang ginagawa nila ang A Love to Last. “I’m so happy that we got along with each other. I’m still getting to know him. Nagiging masaya naman ako sa lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya.

“Mukha siyang parang hindi echosero. Alam ko na matalino siyang tao, alam ko na he’s a good actor, he takes this very seriously. So, akala ko seryoso siyang tao, hindi pala.”

Nauna rito, nakipagbatuhan din ng biro si Bea kay Ian sa Q  & A ng nasabing presscon. “Noong una, alam ko na mukha siyang matalinong tao, para siyang mahiyain. Nagkamali ako. Joke!

“Hindi, hindi ako nagkamali, masarap siyang kakuwentuhan. Pero noong umpisa, para siyang mahiyain. Kasi, ‘Noong storycon tayo unang nagkita, di ba?’ Parang hindi siya masyadong nagsasalita, tahimik lang. Kay Iza lang siya komportable noong time na iyon, so para pa akong nakikisali sa kulitan nila.

“But eventually, nakita ko na, alam mo yon, madali kang makakonekta. Parang may connection agad, hindi mo kailangang ipilit. Di ba, ganoon daw ang friendship, hindi ipinipilit, hindi pinipili, so parang ganoon yung kay Papa I.”

Sina Ian, Bea, at Iza ay tampok sa buwena manong handog ng ABS CBN sa taong 2017 sa pagsisimula nito sa Primetime Bida sa January 9. Ang A Love to Last ay napapanahong kuwento tungkol sa pamilya na magpapakita sa mga manonood kung paano naiiba ang konsepto ng pag-ibig pagdating sa reyalidad.

Kasama rin dito sina Enchong Dee, Julia Barretto, Ronnie Alonte, JK Labajo at Hannah Vito. Ito’y sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Richard Arellano

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …