Friday , November 22 2024

FPJ Memorial Award for Excellence sa ORO, binawi

BINAWI na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee ang ibinigay na Fernando Poe Jr., Memorial Award for Excellence sa pelikulang Oro na pinagbibidahan ni Irma Adlawan at idinirehe ni Alvin Yapan. Ito’y matapos ipakita sa isang eksena sa pelikula ang aktuwal na pagpatay sa aso.

Sa ipinadalang statement ng MMFF, sinabi nilang, ”Upon prior consultation with the family of the late Fernando Poe, Jr, the Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee announces its decision to withdraw the Fernando Poe Jr. Memorial Award recently granted to the film ‘ORO’.

“Without making any judgment on the artistic merit of the film or cinematic depiction, the MMFF finds the present controversy on the alleged killing of a dog in the course of the filming of the movie effectively casts a doubt on the movie’s ability to exemplify the human and cultural values espoused by the late Fernando Poe, Jr.”

Ayon sa komite na kinabibilangan ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Dino, nabuo ang desisyon matapos nilang makipag-usap kay Senador Grace Poe, anak ni FPJ.

Lumabas ang desisyon matapos tawagang-pansin ng senador ang komite na imbestigahan kung nagkaroon nga ng animal cruelty sa pelikula.

“If in fact that were the case, I condemn such act and would move for the invalidation of the FPJ award given to the film. …Though I am not part of the jury that decided on the award, it is my responsibility to uphold the values of FPJ. He would never condone an act of animal cruelty.

“Aside from the possible criminal liability, if indeed proved, the MMFF should also consider applicable administrative sanctions against the producers and/or film makers for any misrepresentation before the MMFF selection committee on this matter which in itself may already justify the movie being stripped of any and all awards it received among other sanctions,” paglalahad ni Poe sa abscbnnews.com.

Hindi aso, kundi baboy

Sa kabilang banda, iginiit noong isang araw ni Direk Yapan na, ”Hindi ko inimbento ang metapora ng aso rito para lang pumatay ng aso sa loob ng isang pelikula para lang pag-usapan. Nasa tunay talagang pagsasalaysay ng testigo sa Gata 4 Massacre na bumalik siya para singilin ang Patrol Kalikasan para sa kinatay nilang aso. Dahil nga kumakain ng aso ang patrol kalikasan, kasi nga tradisyon ang pagpulutan ng aso sa inuman sa ilang probinsiya sa bansa.

Sinabi pa ni Yapan na baboy ang ginamit nila at inedit lamang para lumabas o magmukhang aso.

Idinagdag pa ng director na hindi niya inutusan ang kanyang artista para pumatay ng aso.

“Hindi totoo na inutusan ko ang isang aktor para lang pumatay ng aso. Riyan ako pinakanagalit. Hindi ako tanga. At kahit sinumang aktor siguro hindi papayag diyan. O hindi ko ilalagay ang sinumang aktor sa ganyang posisyon. Sa probinsiya po may mga nakatalaga talagang tagapatay ng aso, baboy, baka, etc.,” paliwanag pa ni Yapan.

“Hindi rin totoo na kinain iyong aso sa set. Sa pagkakatanda ko ibang araw shinoot iyong inuman scene doon sa mismong pagkatay ng aso. Baboy ang ginamit nila. Nasa pag edit na po iyon,” sambit pa ng director.

Karapatan ng tao ang binigyang halaga

Sinabi naman ng executive producer ng Oro na si Feliz Guerrero, na ang pagpatay sa aso ay isang depiction of tradition at ang nais nilang bigyang halaga sa pelikula ay ang violation ng karapatan ng mga tao sa  Barangay Gata sa Caramoan, Camarines Sur.

“Umaasa ang produksiyon na maninindigan ang animal welfare advocates na magsalita at turuan ang sambayanan tungkol sa tamang pag-aalaga at proteksiyon sa mga hayop. Ngunit sa kabilang banda, ninanais ng produksiyon ang mas pagpapahalaga sa karapatang pantao. Pag-aalaga at proteksiyon sa isang komunidad na inagawan ng hanapbuhay at ang apat na pinatay.”

Walang problema sa amin — Bacolod

Nirerespeto naman ng Oro producer Shandii Bacolod ang desisyon ng MMFF.

Aniya, “On the recall of the FPJ Award. Wala itong problema sa amin. Even before today, a representative from FPJ spoke to my EP last night. Maayos ang naging usapan. Klaro. My EP said: Gagawin po naman ang kailangan huwag lang mabahiran ng masama ang pangalan ni FPJ.

“Narinig niyo na ang panig ng MMFF, ng PAWS, at ng ORO. Nirerespeto namin ang lahat ng panig. At patuloy naming rerespetuhin ang MMFF.

“This so-called “trial by publicity” should stop. If PAWS wants to take a legal action, we will respect it. But this is beyond the MMFF body, this matter should be brought up in court.

Maraming Salamat.”

Shandii Bacolod

Producer

SHOWBIZ KONEKMaricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *