Friday , November 15 2024

Duterte economic team kontra sa pension hike

010417_front

NANINDIGAN ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte, delikadong itaas ang pensiyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) kung walang kaakibat na pagtataas sa kontribusyon.

Magugunitang bago maupo sa presidency, kabilang sa pangako ni Pangulong Duterte ang pagtataas sa pensiyon ng SSS members.

Tinatayang nasa 2.2 milyon ang pensioners ng SSS.

Sinabi nina Budget Secretary Benjamin Diokno, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at Finance Secretary Carlos Dominguez III, kung ipipilit ang pension hike na walang contribution rate hike, tataas ang pagkakautang ng ahensiya hanggang P5.9 trilyon.

Ayon sa economic managers, dapat taasan muna ang member contributions sa 17 porsiyento ng kanilang basic salaries mula sa kasalukuyang 11 porsiyento.

Ngunit sa panig ni Sen. Richard Gordon, maaari pang ibigay ng SSS ang P1,000 increase sa pension ng mga retiradong miyembro kung agad aayusin ang koleksiyon at investment portfolio.

Una nang nag-sorry ang pangulo nitong 29 Disyembre dahil sa naipangako.

HATAW News Team

SSS BOARD BAHALA
SA PENSION HIKE ISSUE
 — DIOKNO

TAGILID ang matataas na opisyal ng Social Security System (SSS) sa pagpasa ng memorandum na nagtatakda ng dagdag na P2,000 sa pensiyon sa kanilang 2.2 retiradong miyembro.

Sa press briefing, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, hindi makatuwiran ang ginawa ng SSS Board of Trustees na ipabalikat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kakapusan ng kakayahan ng kanilang ahensiya na ipagkaloob ang umento sa pensiyon ng kanilang mga retiradong miyembro .

“It should not have reached the President’s desk. The Board of Trustees should have exercised leadership and say, ‘no, we cannot do it unless we do the following things,’” ani Diokno.

Si dating University of the East (UE) College of Law Dean Amado Valdez ang chairman ng SSS na itinalaga ni Pangulong Duterte noong nakalipas na Oktubre.

Ani Diokno, kailangang maghanap ng ibang paraan ang SSS upang ipatupad ang pension hike gaya nang pagsasaayos ng kanilang koleksiyon at paniningil sa mga korporasyon na may malaking utang sa private trust fund.

“And there are many things like they can increase the collection efficiency. I understand some corporations have been indebted to SSS, maybe they could call on them, right. But you know, when you pass the buck and give it to the President, that to me is unfair for the President,” giit ni Diokno.

Dapat aniyang ibalik ng Pangulo sa SSS Board of Trustees ang memorandum upang ang mga opisyal ang maghanap ng solusyon.

“Well, he could give it back to the SSS Board of Trustees, come up with a solution, okay. He doesn’t have to veto or — it is not a bill. I think it’s a memorandum. He can give it back and say, ‘look, I appointed you there to solve the problem, okay. Come up with a solution,’” wika ni Diokno.

May position paper na aniya ang economic managers ng administrasyon na naisumite na kay Pangulong Duterte.

Noong nakaraang buwan ay nagpasa ng resolusyon ang Senado, humihiling sa kagyat na umento sa SSS pension habang ang House Committee on Government Enterprises and Privatization ay inaprubahan ang bersyon nila noong Setyembre.

Mataandaan, hindi pinalusot ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang batas na magtataas sana ng P2,000 sa pensiyon ng retired SSS members sa katuwiran na mababangkarote ang private trust fund dahil magreresulta ito sa P56 bilyon kada taon habang ang taunang investment income lang nito’y P30-B hanggang P40 bilyon.

(ROSE NOVENARIO)

INTERVENTIONS
BAGO PENSION HIKE
 — SSS

PATULOY na pinag-aaralan ng Social Security System (SSS) ang mga paraan na maaaring gawin upang hindi maagang magwakas ang lifeline ng ahensiya sakaling maipatupad ang dagdag P2,000 sa pensiyon.

Isa sa nakikitang ‘intervention’ ng chairman ng SSS na si Atty. Amado Valdez, ang 1.5 increase sa kontribusyon ng SSS members at pagtaas ng monthly salary credit sa P20,000 mula P16,000.

Ayon kay Valdez, kapag walang gagawing intervention ang ahensiya kaugnay sa pagpapatupad ng umento sa pensiyon ng SSS members, tiyak na iikli ang lifeline ng ahensiya sa taon 2032 mula sa projected na 2042.

Sa ngayon, walang katiyakan kung masisimulan sa buwan na ito ang naunang ipinangakong unang tranche ng pension increase.

Ito ay dahil hindi pa nalalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon na isinumite ng SSS. Una rito, naninindigan ang economic managers ni Pangulong Duterte na delikadong itaas ang pensiyon ng mga miyembro ng SSS kung walang kaakibat na pagtataas sa kontribusyon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *