NAGA CITY – Handang doblehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinangakong P50 milyon tulong para sa mga magsasakang apektado nang pananalasa ng bagyong Nina sa Bicol.
Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Camarines Sur, una niyang ipinangako ang P50 milyon mula sa Department of Agriculture (DA) bilang tulong sa muling pagbangon ng mga magsasakang nasalanta ng bagyo.
Ngunit ayon sa pangulo, puwedeng dagdagan niya pa ito para maging P100 milyon.
Bukod sa naturang halaga, si DA Secretary Manny Piñol ay mamimigay ng mga binhi sa mga magsasaka para makapagtanim agad sa lalong madaling panahon.
Sa kabilang dako, binigyan-diin ni pangulong Rodrigo Duterte, walang ibang dahilan ang pagbisita niya sa naturang lalawigan kundi trabaho lamang.
Tiniyak din niyang walang halong korupsiyon ang tulong na iniabot niya sa mga biktima ng kalamidad.