Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, naninibago sa pag-arte

NAGSIMULA nang gumiling last December 21 ang taping ni Alden Richards ngDestined To Be Yours, ang kauna-unahang teleseryeng pagsasamahan nila ni Maine Mendoza.

At dahil one year and a half na nabakante sa paggawa ng teleserye si Alden, hindi nito maiwasang kabahan na 2014 pa ang huling seryeng ginawa.

Ani Alden, ”Ang tagal kong nabakante. Medyo may nerbiyos kasi halos one-and-a-half year din akong ‘di nakapag-soap.

“Nakapag-workshop naman po kami, siguro mga three weeks ago.

“Ang tagal ko na pong hindi naka-arte sa TV eh.”

At kung kabado si Alden ay mas may kabog sa dibdib si Maine lalo na’t ito ang una niyang pag-arte.

“Si Maine po kasi, ‘yung acting prowess niya, hindi pa niya nadi-discover, pero mayroon eh.

“Minsan siya pa mismo ang nagde-deny na parang hindi raw niya kaya, hindi pa raw siya marunong umarte.

“Sabi ko, akala lang niya ‘yun… mayroon eh , I can see it sa workshop namin.

“Kumbaga, ibang Maine po ang makikita natin dito, kasi ‘yung role niya dito, medyo challenging.

“May challenge rin po ang role ko. But ‘yung parang extra effort to portray the character, mas may intensity, mas may bigat,” paliwanag ni Alden.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …