MALAKAS ang usap-usapang there now exists an exciting affair between an actor and his director. Kapwa sila mga lalaki.
Nagsimula umano ang kanilang relasyon nang magkatrabaho sila. Admittedly, hindi gaanong pamilyar sa aming pandinig ang pangalan ni direk, pero kung pababatain ang kanyang hitsura’y kahawig niya ang isang sikat at prolific film producer noon.
Looking at them na parehong guwapo is truly a feast on one’s eyes lalo na sa pananaw ng mga macho gay men.
Bilib din naman ang showbiz sa tindi ng kamandag ng aktor na lagi na lang iniuugnay na sa mga nagguguwapuhan (pero may bahid din ng kabadingan)) sa showbiz.
Da who ang aktor na ito na balitang may dyowang director naman this time? Itago na lang natin siya sa alyas na Faustino Fajardo.
(Ronnie Carrasco III)