IGINIIT ni MMFF spokesperson Noel Ferrer, na kailangang makapuno ng hanggang 10-20 porsiyento ng mga sinehan ang mga pelikulang nasa bottom four para manatili itong ipinalalabas sa mga malalaking sinehan. Kung hindi, posibleng ilipat sila sa maliliit na sinehan o matanggal na o hindi na maipalabas.
“This year, ang nangyari, first two days walang tanggalan. Tapos after the second day, ia-assess whether or not ilalagay sa mas maliit na theaters or tatanggalin. Until the certain time na may interest ulit, after the awards night, puwedeng ibalik naman ‘yong mga nanalong mga pelikula,” paliwanag ni Ferrer.
Sa ikatlong araw, nasa bottom four ang mga pelikulang Kabisera, Oro, Saving Sally, at Sunday Beauty Queen.
Ayon sa abscbnnews.com palabas 30 cinema sa Metro Manila ang Kabisera, samantalang ang Oro ay ipinalalabas na lamang sa iilang sinehan sa ikatlong araw. Pero sinasabing palabas pa ito sa may 27 sinehan.
Mas marami naman daw sinehan ang nagpapalabas ng Saving Sally matapos makatanggap ng mga positibong reviews. Sa kasalukuyan, palabas daw ito sa may 40 sinehan samantalang ang Sunday Beauty Queen ay nasa 30 cinema rin.
MOJACK, THANKFUL
SA MGA KAIBIGAN SA NEW YORK!
MASAYA ang masipag na singer/comedian na si Mojack dahil sa blessings na kanyang natamo this year.
Sa Pilipinas man kasi o sa abroad, mabenta si Mojack at hindi nawawalan ng projects.
“Wala akong masabi sa mga blessing sa akin ni Lord, speechless ako, natutulala na parang, ‘Bakit ang daming lumalapit na show sa akin ngayon?’ All I can say is… more blessings pa Lord para sa family at friends ko hehehe,” saad ni Mojack.
Actually, after niyang magbakasyon sa Japan na isang business with pleasure trip ang kanyang ginawa, rumaket muna siya sandali sa ‘Pinas. Si Mojack ang isa sa entertainer sa ginanap na Philippine Air Asia annual dinner last December 14 na ginanap sa Green Sun Hotel. Kasama niya rito ang bandang True Faith.
After sa Japan, lumarga agad si Mojack papuntang US para asikasuhin ang ilang papeles mula sa kanyang amang isang US Marine. Rito ay naging bahagi rin siya sa isang special event.
Dahil nga sa successful na pagrampa ni Mojack sa Tate, may mga kaibigan siyang nais na pasalamatan.
“Nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinibigay nila sa akin dito, sa mga kaibigan ko na sina Girlie Rosete Clemente and Babette Soriano for making my journey so unforgettable. Kinupkop nila talaga ako as their family especially to Cheri and Shane na para ko nang mga kapatid, they are also helping me a lot. At dahil sa tagal na nila rito sa Tate, sila ang nagpapayo sa akin about my rights sa mga legal papers as an American citizen.
“Kaya I am thankful to God for giving me true friends, not only in words but may action talaga sila to help me even if they are so busy, they have time for me.
“Gusto ko rin magpasalamat to Ate Tess Sacdalan, kasi she is helping me naman sa military benefits na inaayos niya kung paano ko makukuha ang para sa amin ng Mom ko. Kaya very thankful ako, kasi nakatagpo ako ng mga tulad nila na tunay na mga tao na walang arte sa katawan. Na kahit mayroon sila, they’re so kind and humble. Sana lahat ng tao katulad nila,” masayang banggit pa ni Mojack.
LALEN AT SELINA, FOR GOOD
NA SA CEBU; ANAK NA SI ALLYSA,
MAG-AARTISTA NA
NAKASAMA namin sa isang meryenda-tsikahan sina Lalen Calayan at Selina noong Lunes ng hapon na nagbakasyon nagtungo ng Manila for the Christmas season. Sa Cebu na kasi nananatili ang dalawa at doon na nagtayo ng negosyo.
Ayon kay Selina, maganda ang tandem nila ni Lalen na very soon ay marami ang magugulat sa bubuksan nilang malaking negosyo.
Ayaw man ipasulat nina Lalen at Selina ang ukol sa kanilang negosyo, nakatutuwang malaman na naging maganda ang paglipat na ginawa nila roon.
Napag-alaman naming may malaking negosyante ang nagtiwala sa kanila na makisosyo para negosyong bubuksan nila sa Marso o Abril.
“Tiyak na marami ang magugulat. Pero nakatutuwa na pinagkatiwalaan nila kami. Nakita nila na mali ‘yung mga paninirang ibinabato nila sa amin. Ang katwiran nila, hindi nila kilala ang mga taong naninira sa amin. Kami raw ang kilala nila at nakita nila na maayos kaming kausap,” ani Selina.
Napag-alaman pa naming paborito si Selina ng negosyanteng ikinukuwento nito sa amin dahil nakikita nito ang sarili sa singer.
Bagamat magiging abala na sa negosyong bubuksan si Selina, hindi pa rin naman nito pababayaan ang pagkanta.
Kasama rin ni Selina noong hapong iyon ang kanyang anak na si Allysa na gustong-gustong mag-artista.
May karapatan naman si Allysa dahil napakagandang bata bukod pa sa magaling din kumanta at sumayaw. Nag-workshop pala si Allysa sa G-Force kaya naman nakuha nito ang galing sumayaw.
Tapos nang mag-aral si Allysa pero bukod sa pag-aartista, sinasanay din siya ni Selina sa kanilang negosyo.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio