MASAYANG-MASAYA ang lahat — mga miyembro ng Quezon City Police District Press Corps (QCPDPC) sa katatapos na isinagawang selebrasyon para sa traditional CHRISTmas party ng asosasyon kamakalawa ng gabi, 20 Disyembre 2016.
Ginanap ito sa opisina ng press corps sa QCPD Police Station 10 compound, EDSA/Kamuning, Diliman, Quezon City.
Walang umuwing luhaan lalo sa bahagi ng grupo ng mga piloto. Hindi kasi tablado ang mga piloto sa press corps – kung ano ang turing ng grupo sa regular members ay ganoon din ang pagtingin ng pamunuan ng QCPDPC sa mga piloto. Pantay ang lahat. Walang nakaaangat.
Sa simula pa lamang ay feel na ng lahat ang party – sa preparasyon. Ginawa ng bawat opisyal at miyembro ang task na iniatang sa kanila. Pag-aayos ng venue at higit sa lahat ang pagluluto ng masasarap na handa.
Hindi kasi uso sa press corps ang catering at sa halip, lutong bahay ang mas ninais namin (taunan iyan). Kami-kami ang nagluto…masarap kaya kasi mula sa puso ang pagluluto namin.
Walang umuwing luhaan hindi dahil sa lahat ay may bitbit nang umuwi matapos ang party kundi dahil sa SAYA na nadama ng bawat miyembro. Saya na hindi matutumbasan ng ano mang bagay o raffle gifts. Kahit nga plantsa lang ang nakuha ng iba ay masayang-masaya sila. Bakit? Dahil dama ng bawat isa ang kahalagaan nila sa press corps.
Pero ano pa man, masaya ang party dahil sa sponsors na nagpadala ng regalo — raffle gifts at cash.
Salamat Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, QCPD Director; aking mahal na Bossing – Jerry Yap, Hataw publisher at Alab ng Mamamahayag chairman; Paul Gutierrez, National Press Club (NPC) president; Benny Antiporda, NPC vice president; Superintendents Rodel Marcelo, Rogarth Campo, Nieves, Pedro Sanchez, Tom Nuñez, at C/Insp. Jack Refugia, pawang nakatalaga sa QCPD.
Gayondin kina Tina Maralit, at Lydia Bueno, kapwa NPC director, George Bueno, Jun Sy/Eddie Ng, Roland Villanueva, Jessie ng Akbayan, may nakalimutan pa ba akong banggitin? Basta kabilang po kayo sa nagpasaya sa amin.
Nagpasaya rin sa party ang bitbit ni Gen. Eleazar – ang magagaling at talented na QCPD band.
Sino pa? Siyempre sa lahat ng bumubuo ng QCPDPC mulang officers, members at strikers namin na masisipag.
Pero higit kong pinasasalamatan to make the night possible ang PANGINOONG DIYOS maging sa kanyang bugtong na anak na si Jesus Christ. Kung hindi sa first Christmas na naganap noon sa isang sabsaban sa Bethlehem marahil ay walang ipinagdiriwang na Christmas party.
Uli, maraming salamat sa mga ginamit ng Panginoon upang maging masaya ang pagdiriwang ng press corps sa paggunita sa pagsilang ng TAGAPAGLIGTAS.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!
Sa aking mga opisyal, miyembro at strikers, maraming salamat sa inyong kooperasyon. Naging successful ang party dahil sa ating lahat na ginabayan ng Panginoon.
AKSYON AGAD – Almar Danguilan